Mark Oblea umaming nakaranas ng sex sa edad na 14: OK naman! | Bandera

Mark Oblea umaming nakaranas ng sex sa edad na 14: OK naman!

Reggee Bonoan |September 03,2019
facebook
share this

Mark Oblea umaming nakaranas ng sex sa edad na 14: OK naman!

Reggee Bonoan - September 03, 2019 - 12:05 AM

MCCOY DE LEON, JAMESON BLAKE AT MARK OBLEA

SA blogcon ng “G!” nina McCoy de Leon, Mark Oblea at Jameson Blake inamin nilang isa sa highlight ng kanilang pelikula ay ang pagpapakita nila ng butt.

Ito ang unang beses na nagpasilip ng pwet sina Mark at McCoy samantalang ikalawa naman para kay Jameson dahil nagawa na niya ito sa una niyang pelikula, ang “2 Cool 2 Be 4gotten.”

Walang paghahandang ginawa si Mark sa butt exposure niya dahil alam niyang makinis ito at higit sa lahat confident siya kung ano ang kalalabasan nito sa big screen.

‘Yung iba kasing artista ay naglalagay ng astringent para magbalat at pumuti pero para sa mga bida ng “G!” naligo lang daw sila bago kunan ang nasabing eksena.

“Coming of age” ang tema ng “G!” at isa sa mga nasa bucket list ng tropang bibida sa kuwento ay makaranas ng ultimate sex na hindi naman pala nalalayo sa tunay na experience ni Mark.

Pitong taong gulang nang matuli si Mark, “Noong araw po kasi kapag lumabas ka ng kuwarto na hindi umiiyak, ibig sabihin hindi masakit. E, ‘yung kuya ko, lumabas nang hindi umiyak, kaya sumunod na ako, ‘yun pala masakit.”

Kaya pala maaga ring nakaranas ang binata ng sex, “Maaga pa ba ‘yun, 14 years old? First year high school ako noon. Oo kainitan noon ‘yung ganu’n kasabik.

“Ha-hahaha! First girlfriend, mas may edad kasi 4th year high school. Hindi naman siya ang nagbigay ng motibo, pareho naman,” tumatawang pag-amin ng singer-actor.

At dahil 14 years old palang si Mark in-assume namin na wala siyang alam sa sex kaya sabi namin baka ang girl ang nagturo sa kanya, “Ha-hahaha! Medyo? Paghahanda? Walang ganu’n, biglaan kasi ‘yun (tawa nang tawa), whatever it takes. Basta’t sa kuwarto nangyari.”
Pareho raw virgin sina Mark at ‘yung ex-girlfriend niya kaya hindi niya makakalimutan iyon at umabot naman daw sa isang taon ang relasyon nila.
Hindi naman nakasagot agad ang binata sa sunud-sunod na follow-up question namin tungkol sa kanyang karanasan kaya idinaan na lang niya sa tawa.
Sampung taon na ang nakararaan at may komunikasyon pa rin daw sina Mark at ang ex-GF niya, “Friends kami, may someone siya ngayon pero hindi pa asawa,” saad ng binata.
Wala naman daw siyang planong balikan pa ang kanyang ex, “Hindi na, okay na, past is past. Wala akong record na bumabalik. People come and go, ganu’n talaga. Friends naman kami.”
May pagsisisi ba na maagang nawala ang kanyang virginity? “Hindi naman, lalaki ako, eh. Ganu’n talaga.”
Pagkatapos ba ng kanyang first experience ay nasundan ba kaagad ito? “Hindi naman. Siyempre hindi, grabe ang tanong! Ha-hahaha! Hindi naman ganu’n kadalas.”
Samantala, habang ginagawa ang “G!” ay hindi naramdaman ni Mark na nagtatrabaho siya dahil para lang silang naglalaro nina McCoy, Jameson at Paulo Angeles.
“Ang sarap kasi magkakatropa kayo, naalala ko tuloy mga katropa ko sa Cavite, 20 years ko na silang kakilala. Napaka-organic dito sa ‘G!’ kaya nag-enjoy talaga ako, gusto kong makagawa pa ng pelikulang ganito kaganda,” pahayag ni Mark.
As of now ay may nabanggit na teleserye sa singer-actor ang kanyang handler pero hindi pa niya alam kung ano at sino ang makakasama.
Ang “G!” ay showing na sa Sept. 13 at entry ng Cineko Productions sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, sa direksyon ni Dondon Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending