Diego Loyzaga rumesbak sa nakaaway na Grab driver: Nabastos ako du’n!
SINUNGALING at gumagawa lang ng kuwento ang Grab driver na nakaengkuwentro ni Diego Loyzaga kamakailan.
Yan ang iisipin ng publiko kung ang pagbabasihan ay ang naging pahayag ni Diego tungkol sa naganap na insidente. Sinampahan ng Grab driver na si John Ronnel Paglalunan ang aktor ng kasong malicious mischief dahil sa pangyayari.
Ipinost ng kapwa Grab driver ni John na si Kian Garica sa Facebook ang ilang video clips kasabay ng pagbibigay ng kanilang version kung ano talaga ang nangyari nang komprontahin sila ng anak ni Cesar Montano.
Sinabi rin ng driver na lasing daw si Diego nang komprontahin siya nito madaling araw ng Bi-yernes.
Ngunit sa panayam ng ABS-CBN kay Diego mariin nitong pinabulaanan na siya’y lasing nang maganap ang insidente.
“Napaliko talaga iyong driver ko nang malakas sa kaliwa at nagpreno siya nang malakas,” depensa ng binata. “Bumaba ako para kausapin ang driver. So pagbaba ko, nakita nu’ng security na may nangyari so hinarangan ako ng security which nakita du’n sa video na pinost nila. Wala akong ibang ginagawa du’n pero I was trying to go to his car.
“So I tried to approach the driver and talked to him. I said peace to him, and what did he do? He just put up his phone and started taking a video of me. Nabastos ako du’n and it didn’t stop me though. I kept saying ‘Peace, peace bro. Can we talk?'” depensa pa ng binata.
“This is the part that made sure over and over again with the security, and this is really the big question to his side of the story. I asked him over and over again if I did any damage to his car. Kaya daw hinayaan ng driver na mag-uwian na because they agreed with the police that there were no damages.
“‘Tapos, five hours later, ang allegation nila sa akin ay sinira ko yung sasakyan, nagbato ako ng bato, at nang-trip ako nang walang dahilan?” aniya pa.
Balitang nakipag-usap na rin si Diego sa may-ari ng sangkot na Grab car na kinilalang si Elaine Tiamzon. Sinabi raw nito sa binata na willing siyang iatras ang kaso at mag-apologize sa aktor kung mapapatunayan na si John talaga ang may kasalanan.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hinihintay pa ng magkabilang kampo ang CCTV footage mula sa mga otoridad.
Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga nanghusga agad sa kanya, naiintindihan daw niya kung saan nanggagaling ang galit sa kanya ng ilang netizens.
“My past hasn’t been all that great, you know what I mean? I’ve had troubles in my past. But just because someone has screwed up in the past, it doesn’t make them the bad person fore-ver. It doesn’t mean siya na lang lagi ang mali,” sabi pa ni Diego.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.