Dingdong sa mga biktima ng depresyon: Maraming pagsubok kaya dapat laging ‘I am ready’
INAMIN ni Dingdong Dantes na naka-experience na rin siya ng burnout at depression dahil sa pagiging artista.
Aniya, hindi naman kasi maiiwasan ng isang celebrity o ng kahit sinumang tao ang magkaroon ng mental health issue dahil sa matinding pressure sa trabaho at personal life.
Paliwanag ng Kapuso Primetime King, “It’s something that happens. It’s something that we should not dismiss.
“Kailangan bantayan talaga. Pero hindi ibig sabihin, kapag nangyari yun, yun na ang katapusan,” ayon sa mister ni Marian Rivera sa nakaraang mediacon ng bago niyang infotainment-documentary program sa GMA na Amazing Earth.
Paliwanag ni Dingdong, sa ilang taong pamamalagi niya sa showbiz industry ilang beses na rin siyang inatake ng depresyon lalo’t walang kasiguruhan ang career ng isang artista.
“I’m still part of an evolving process na wala namang sigurado, walang simple, walang mahirap. Pero magkakaroon at magkakaroon ng pagsubok. We just have to be prepared,” positibong pananaw ni Dingdong.
Naniniwala rin ang Kapuso TV host-actor na napakalaking tulong ang positibong disposisyon at matibay na support system para malabanan ang mga pagsubok sa buhay at iba’t ibang mental health issues.
“Kinakailangan mo ma-experience ang isang breakdown para ma-appreciate mo ang isang breakthrough. Otherwise, magiging mea-ningless siya.
“When that time comes, just make sure you have people around you na tutulong sa ‘yo, na gagabay sa ‘yo, na mag-i-inspire sa ‘yo, na hihila sa ‘yo pabalik,” aniya pa.
Malaki rin ang maitutulong ng digital world sa problema ng bansa sa depression at suicide, ayon kay Dingdong kahit silang mga artista ay maraming pwedeng gawin para ma-educate ang mga tao hinggil dito.
“We have the digital platform. We have our own means of creating films, di ba, nandiyan ang cell phone. So yung expression of our artistry, hindi lang siya for entertainment, pwede rin siyang gamitin para sa pagtuturo ng mahahalagang bagay about life,” pahayag pa ng award-winning actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.