Hiling ng madlang pipol kay Yassi: Wag nang pahirapan si Coco | Bandera

Hiling ng madlang pipol kay Yassi: Wag nang pahirapan si Coco

|June 18,2018
facebook
share this

Hiling ng madlang pipol kay Yassi: Wag nang pahirapan si Coco

- June 18, 2018 - 12:10 AM

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

PATULOY ang tagumpay ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil noong Miyerkules (Hunyo 13), nakamit ng action serye ni Coco Martin ang pinakamataas nitong national TV rating ngayong 2018.

Pumalo ang national TV rating ng serye sa 44.4%, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.

Napanood sa episode ang patuloy na pagsuyo ni Cardo (Coco) sa asawa niyang si Alyana (Yassi Pressman) na talaga namang kinakiligan ng viewers. Matagal na kasing hinihintay ng mga Probinsyano addict ang pagbabalikan ng dalawa.

Sabi nga ng ilang netizens huwag na sanang pahirapan ni Alyanna si Cardo at tanggapin na uli ito sa kanyang buhay.

Nakilala na rin ng mga manonood ang mga panibagong karakter ng serye na kinabibilangan nina Joross Gamboa, It’s Showtime “Funny One” champion na si Donna Cariaga at finalist Nonong Ballino.

Umeksena na rin sa FPJAP si Pilipinas Got Talent runner up Joven Olvido, ang cute na cute na child star na si Carlo Mendoza, Whitney Tyson, Mel Feliciano at The Voice Teens finalist na si Isabella Vinzon.

Patuloy na tutukan ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending