Kapal: Mocha dapat nang mag-resign, itigil na ang paghahasik ng kahihiyan
MATINDI talaga ang sikmura ni Mocha Uson. What is it made of kaya, asupre?
Pagkatapos niyang lapastanganin ang yumao nang si dating Senator Benigno Aguino, here she is, picking on his wife former President Cory Aquino. Si Marcos daw ba o si Cory ang tunay na diktador?
Muli, Mocha took to her social media account which she passes off as her outlet to freely express her thoughts. Pero tigilan na niya ang paggamit sa social media as her license to get away with personal affront.
Ngayon ay higit nating abangan ang binitiwang salita ni Kris Aquino na isa pang pang-aalipusta ni Mocha sa kanyang pamilya ay meron itong kalalagyan. Kris had better teach this cheap charlatan a lesson na hinding-hindi niya makakalimutan throughout her mortal existence.
More than ever, we realize na hindi nada-digest ni Mocha ang mga binabasa niya sa mga law books, dapat ay alam niya na maaari siyang sumabit sa libel. Useless reading, wala kasi siyang naa-absorb.
Kinukuwesti-yon tuloy namin ang kwalipikasyon ni Mocha na itinalaga bilang katuwang ni Martin Andanar sa PCOO. Martin must be aware of ethics in journalism.
Obviously, salat sa kaalaman si Mocha dahil kung meron man lang siya ni kati-ting nito ay hindi siya magpo-post ng mga kung anu-anong kasiraan laban sa mga taong hindi naman basta-basta.
Walang magandang nagagawa si Mocha sa ahensiya, this she should realize herself. Therefore, isa lang ang nakikita naming solusyon: magbitiw na siya kesa maghasik pa siya lalo ng kahihiyan!
So kapal!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.