Diva saludo sa husay at propesyonalismo ni Jen | Bandera

Diva saludo sa husay at propesyonalismo ni Jen

- June 16, 2018 - 12:05 AM

ANG cute ng friendship nina Jennylyn Mercado at Diva Montelaba na gabi-gabing napapanood sa GMA primetime series na The Cure.

Sa serye kasi ay palagi silang magkaaway at hindi magkasundo pero kabaligtaran naman daw ito ng relasyon nila sa likod ng camera. Saludo si Diva kay Jen dahil sa husay nito at professionalism kaya thankful siyang makatrabaho ang Ultimate Star. Napakarami rin daw niyang natututunan mula kay Jen pagdating sa akting.

Sa recent Instagram post ni Diva, inilirawan niya ang karakter niya bilang Suzy at ni Jennylyn as Charity na “frenemies”. Kung gigil na gigil daw siya kay Jen sa mga eksena nila sa The Cure, off cam ay sweet naman daw sila sa isa’t isa.

Ayon pa kay Diva, looking forward siya lagi sa mga pasabog na eksena nila ni Jennylyn at ng iba pang cast ng serye. Napakasarap daw kasing magtrabaho kapag magagaling at walang arte ang mga kaeksena niya.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas nakakaintriga at kaabang-abang pang mga eksena nina Charity at Suzy sa The Cure na napapanood pa rin after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Abangan din ang pagpasok ng mga bagong karakter sa kuwento na sigurado ring ikagugulat n’yo!
Kasama pa rin sa serye sina Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, LJ Reyes, Jay Manalo at marami pang iba sa direksyon ni Mark Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending