PALABAS na ang Bagyong Domeng sa Philippine Area of Responsibility.
Pero patuloy umanong pinalalakas ng bagyo ang Hanging Habagat na siyang nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
“The Southwest Monsoon (Habagat) enhanced by the Typhoon will continue bringing monsoon rains over Luzon, especially over the western section, until early next week,” saad ng advisory ng PAGASA.
Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 1,045 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes. Ang hangin nito ay umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 145 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.