Aktor na walang paki sa career biglang nagseryoso sa trabaho | Bandera

Aktor na walang paki sa career biglang nagseryoso sa trabaho

Cristy Fermin |June 10,2018
facebook
share this

Aktor na walang paki sa career biglang nagseryoso sa trabaho

Cristy Fermin - June 10, 2018 - 12:15 AM

DATI pala ay hindi masyadong seryoso sa kanyang career ang isang guwapo at magaling umarteng young actor. Parang nilalaro lang niya ang kanyang trabaho, parang okey lang sa kanya, may trabaho man siya o wala.

Maraming nagpapayo sa kanya nu’n na bigyan ng panahon ang kanyang mga pangarap, tutal naman ay nandiyan na rin lang siya, pero wala siyang pinakikinggan.

Palagi lang siyang chillax, ni hindi nga niya kinukumusta kung anong trabaho ang ibibigay sa kanya ng network na pinagseserbisyuhan niya, todo-pasa lang ang young actor.

Kuwento ng aming source, Ganu’n lang siya ka-relax, palibhasa, e, mabubuhay naman kasi siya kahit hindi siya mag-work dahil maykaya ang family nila.

“Pero sayang kasi, may face naman siya, maganda ang katawan niya, saka marunong siyang umarte! So, ang dami-daming nagpapayo sa kanya na magseryoso na, huwag papetiks-petiks lang, dahil may ibubuga naman siya!

“Hanggang sa isang araw, e, ginawa na nga niya ang isang serye, isa siya sa mga bumibidang bagets sa istorya. E, ang galing-galing niyang umarte, di ba? Saka mahal siya ng mga camera, guwapung-guwapo ang dating niya sa screen, panalo siya!

“E, nakatikim siya ng mga papuri sa serye, pinupuri rin siya ng mga directors niya, mukhang nasarapan siya sa mga praises na tinatanggap niya. Mula nu’n, maraming nakapansin na seryoso na siya.

“Maaga siyang dumarating sa set, never siyang na-late. Pinag-aaralan niya ring mabuti ang mga eksenang gagawin niya, may bonus pang turo ‘yun ng magaling na aktres na mommy niya sa teleserye. Inspired na siya mula nu’n,” kuwento ng aming impormante.

Wala raw ere ang bagets na ito, marunong siyang makisama, hindi rin siya nagiging cause of delay ng taping dahil very professional siya.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling bigyan ng clue kung sino ang guwapong bagets actor na ito.

“Kilalang-kilala ang kanyang apelyido, lalo na sa mundo ng pulitika, kaapelyido niya ang isang napakagaling na veteran politician na sa kanyang edad ngayon, e, napakagaling pa rin ng memorya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending