Dianne biktima rin ni Dupaya, pero ayaw nang magdemanda | Bandera

Dianne biktima rin ni Dupaya, pero ayaw nang magdemanda

Reggee Bonoan |June 10,2018
facebook
share this

Dianne biktima rin ni Dupaya, pero ayaw nang magdemanda

Reggee Bonoan - June 10, 2018 - 12:25 AM

ISA rin pala ang aktres-TV host na si Dianne Medina sa nag-invest ng malaking pera sa negosyo ng businesswoman na si Kathy Dupaya pero ayaw na raw niyang makisawsaw pa sa iskandalo nito.

Ayaw niyang ma-stress dahil nga naghahanda na siya para sa kasal nila ni Rodjun Cruz sa susunod na taon, 2019.

“Ang dami nga po nagtatanong tungkol diyan, ayaw ko na po, basta nag-usap na po kami ni Ms. Kathy, hinihintay ko lang ‘yung pangako niya,” pahayag ng aktres nang magkita kami sa Scout Borromeo, Quezon City kung saan siya kumukuha ng mga damit na nag-i-sponsor sa kanya.

Ayon kay Dianne ay hayaan na lang na sina Joel Cruz, Sunshine Cruz, Ynez Veneracion at iba
pa ang magdemanda na magsampa ng kaso.

“Sila na lang po, alam naman nilang naka-support ako. Ayoko na po kasi ng maraming iniisip,” saad pa ng dalaga.

Bukod kasi sa trabaho ni Dianne sa PTV 4 at iba pang projects na may kinalaman sa pelikula at telebisyon ay inaasikaso rin niya ang mga kakailanganin sa kasal nila ni Rodjun bukod pa sa plano nilang pagpapatayo ng bahay.

Sa tanong namin kung isa rin siya sa ipinasyal ni Kathy sa ibang bansa, “Opo, nakita ko naman din lahat ‘yung business niya ro’n – restaurant, bakery. Okay naman po that time.
Mabait naman siya sa amin, hindi ko nga alam bakit nagkaganu’n,” ani Dianne.

Maski na anong kulit namin sa TV host-actress tungkol sa investments niya at kay Kathy ay hindi na siya nagkuwento pa, “Sensya na tita, hangga’t maaari ayaw ko na po magkuwento, sila na lang. Basta kawawa talaga sina ate Shine (Sunshine) sana mabawi nila ‘yung hard-earned money nila.”.

For the record, magkano ang na-invest ni Dianne kay Kathy, “Actually, ‘yung principal amount, medyo malaki ‘yun para sa akin. May mga naibalik naman, pero may natira pa, sana ibalik kasi hard-earned money ko rin ‘yun. Maski wala na ‘yung interest, ‘yung principal na lang.”

Anyway, sa pagkakaalam namin ay marami pang artista ang nakunan ng pera ni Kathy pero ayaw na lang magsalita dahil ayaw na rin nilang maabala pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending