Mocha ‘pambansang kahihiyan’ sa Duterte admin, dapat nang sibakin
EXCUSE me, PCOO ASec Mocha Uson, ‘yung mga ipinost mong litrato ni dating Sen. Ninoy Aquino sa Facebook page mo ay para kay Kris Aquino!
Magpakatotoo na sana ang dating malaswang dancer, she might as well stop lying through her teeth!
Aber, bakit namin nasabing isang pambansang kasinungalingan ang emote ni Mocha Uson when—on the video she did as an immediate response to Kris’ live video—nilinaw niyang, “This is not about you (Kris Aquino).”
Ikinagalit kasi ni Kris ang kawalan ng respetong pagkukumpara ni Mocha sa mga pictures ni Ninoy getting pecked by two wo-men on the Manila-bound plane moments before he got shot and slain at the Manila International Airport (on the fateful day of Aug. 21, 1983).
Kinapsyunan ‘yon ni Mocha ng, “Pero ito hindi???” compa-ring those photos sa halikan sa pagitan ni Pangulong Digong at ng isang Pinay at a recent gathering in South Korea.
This much we know, never did Kris make any comments tungkol du’n. Hindi rin siya hypercritical of the Duterte administration.
Before her brother Noynoy assumed presidency, two of his predecessors after Marcos ay mga lalaki: Fidel Ramos and Joseph Estrada.
Documented din ang pagkakaroon noon nina FVR at Erap ng mga babaeng lumalapit din sa kanila, yumayakap at humahalik nang wala ni kati-ting na malisya. Ang kay Ninoy ay obviously without a tinge of malice, pero ipinost ni Mocha na hindi yata nag-iisip.
Why single out Ninoy when both FVR and Erap had their share of similar incidents? Why because the reason is obvious, si Ninoy ang patriarch ng pamilya Aquino na nauna sa Duterte na pinagsisipsipan ni Mocha to stay where she thinks she powerfully is.
Sa tanang pagkakakilala namin kay Kris ay nito lang namin siya nakita wanting to pick up a fight with someone na hindi niya ka-level. Kunsabagay, it wasn’t Kris who started it all.
Pero ang inasahan naming mahihiya da-pat sana for the gross national katsipan she has committed ay maangas pa ang dating.
Sa halip na magsori sa kanyang ginawa ay tila proud pa si Mocha reminiscent of her tasteless cavorting days as a lewd stage performer proud of her kalaswaan.
Yaman din lang na sunud-sunod ang mga nangyayaring sibakan sa ilalim ng Duterte leadership dahil sa graft and corrupt practices ng ilan sa kanyang mga ipinuwesto, it’s best na sibakin na rin niya si Mocha Uson bilang PCCO ASec.
With Mocha’s discharge ng kanyang trabaho—mula sa noo’y kapalpakan sa MTRCB hanggang sa pagpapalaganap ng fake news, at heto ngayon, her sheer lack of sensitivity—there appears to be no other way for her but OUT!
Pambansang kahihiyan lang ang iaakyat lalo ni Mocha sa Palasyo!
q q q
Ewan kung sinasadya ng production team ng Celebrity Bluff na maki-ride on sa kasikatan these days ni Kris Aquino by getting Tetay (who impersonates Kris) as one the bluffers this Saturday.
Alongside John Estrada and Kakai Bautista, makikiloko ang pekeng Kris Aquino with the three celebrity players—if not literally Celebriy Bluff mainstays.
The tables are turned, ika nga, dahil ang mga paglalaruan at lilituhin naman ang mga bluffers ang mga pares nina Noobay-Boobsie, Donito Nose-Pekto at Isko Salvador-Teri Onor.
Reversal of fate ang tawag dito, only that there’s not a tiny room for bitterness.
So, what else should we say kundi aba-ngan ang mga bluffers-turned-“bluffees” as they get a dose of their own medicine!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.