Bagyong Domeng lumakas habang palabas | Bandera

Bagyong Domeng lumakas habang palabas

Leifbilly Begas - June 07, 2018 - 07:39 PM

LUMAKAS ang bagyong Domeng habang papalabas ng bansa habang isang bagyo naman ang namuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Mula sa 45 kilometro bawat oras kamakalawa ng, umaabot na sa 55 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin ng bagyo bago magtanghali kahapon. May pagbuso itong 65 kilometro bawat oras mula sa 60.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras pakanluran. Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon inaasahang lalabas ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Pinalalakas ng bagyo ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Binabantayan din ng PAGASA ang bagyo na may international name na Ewiniar na nasa layong 1,075 kilometro sa silangan ng Basco Batanes. Hindi inaasahan ng PAGASA na magkakaroon ito ng epekto sa bansa.

Ang bilis ng hangin nito ay 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.

Tinatahak nito ang direksyon papunta sa China.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending