Alden buwis-buhay ang mga stunt sa ‘Victor Magtanggol’
Walang uurungang buwis-buhay stunt si Alden Richards para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Victor Magtanggol. Mas lalong lumakas ang loob ng Pambansang Bae na gawin ang maaaksyong eksena sa VM matapos sumailalim sa parkour training.
“Mostly kasi typical lang ‘yung fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Well, ito kakaiba, na-apply ko ‘yung mga natutunan ko sa parkour,” ani Alden sa panayam ng GMA 7.
Matagal na raw pangarap ng Kapuso actor na makagawa ng ganitong klase ng palabas kaya all-out siya para rito, “Gusto ko kasi ito, eh. Ganu’n ako ka-in love dito sa project na ito.”
“I see to it na majority of the scenes at stunts ay ako mismo ang gagawa,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.