Kilalang female celebrity pahirap sa taping, ang sarap itulak sa imburnal | Bandera

Kilalang female celebrity pahirap sa taping, ang sarap itulak sa imburnal

Cristy Fermin - June 08, 2018 - 12:40 AM

HINDI na ipinagtaka ng isang grupong madalas makatrabaho ng isang kilalang female personality ang mga pinalulutang niyang pagmamaangas sa linya ng kanyang trabaho. Marami ring alam ang tropa tungkol sa kanya.

Sa bawat pagsasama nila ng babaeng personalidad ay meron silang iniiwang alaala ng kanyang kamalditahan na ang feeling kuno ng aktres ay hindi na tatayo ang industriya kapag nawala siya.

Kuwento ng isang miron sa grupo, “Naku, paramihan ba ito ng mga hindi kagandahang experience habang kasama ang hitad na babaeng ‘yun? Kakapusin ang maghapong kuwentuhan natin sa dami!

“Ibang klase ang kamalditahan niya, parang napakalungkot kasi ng kanyang buhay, kaya nangdadamay siya ng ibang tao sa kalungkutan niya! Tama, ganu’n nga siya kamaldita!

“Lahat ng bagay hinahanapan niya ng butas para maging nega sa paningin niya. Pati ang production design, pinakikialaman niya! Nu’ng maglagay ng flowers ang PD sa isang eksena, e, ipinatanggal niya!

“Ayaw raw niya ng kulay ng flowers! Ang gusto raw niya, e, lilac, ‘yun daw ang favorite color niya. Violet daw ang gusto niya, ayaw niya ng mga kulay na nasa vase, kaya walang nagawa ang production designer kundi ang alisin na lang ang bulaklak!

“Ganu’n siya katindi! Kapag hindi niya gusto ang isang bagay, e, kailangang ayaw na rin ‘yun ng lahat. Di ba naman napakahitad niya? Lahat na lang, e, ninenega niya!” simulang kuwento ng source.

Maselan siya sa pagkain, meron siyang sinusunod na diet na kailangang alam ng production para ‘yun ang ihanda para sa kanya. Kaso, malaking problema pa ‘yun para sa production, kaya meron siyang hiwalay na budget para sa food niya sa set.

Balik-chika ng aming impormante, “Kaso, may reklamo pa rin siya kahit sinunod na nga ng staff ang gusto niya. Nagagalit siya kapag may mga nakikita siyang kumakain ng mga food na ayaw niyang kainin!

“Pinalalayo niya ang mga kumakain, ayaw raw niya sa amoy ng food, kasi nga, puro dahon lang ang kinakain niya dahil sa pagda-diet niya!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, gusto n’yo na ba siyang itulak sa imburnal?” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa 20th floor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending