KZ Tandingan na-bash dahil sa Mayward joke: ‘Naku Edward, maghanap ka na lang ng iba!’
NAGPALIWANAG si KZ Tandingan sa naging “joke” niya kina Maymay Entrata at Edward Barber sa ASAP Chillout last Sunday.
May mga MayWard fans kasi ang na-offend sa naging komento ni KZ nang makasama niya sina Maymay at Edward sa nasabing segment ng Sunday musical show ng ABS-CBN, partikular na ang sinabi niyang, “Ay, naku Edward maghanap ka na lang ng iba!”
Narito ang paliwanag ni KZ sa panayam ng ABS-CBN, “Actually every time pumupunta ako sa ASAP Chillout, kalokohan ko talaga sina Maymay at lalong lalo na si Kisses. Si Kisses talaga palagi naming inaalaska.
‘Yung time na ‘yun kakanta na dapat ako ng ‘Nag-iisa Na Naman’ tapos nakatayo na ako, niloko ako ni Maymay. ‘Ate KZ, tayo ka na’ ay nako masama ugali nito sabi ko kay Edward, ganyan.”
“Kasi niloloko niya ako na tumayo na ako eh nakatayo na ako. Kasi nga ‘di ba maliit ako? So parang walang kaibahan ‘yung nakatayo na ako tapos sabi niya ‘ay joke lang, joke lang’.
“Sabi ko ‘Ay nako Edward maghanap ka na lang ng iba’. Meron kasing iba na sumasawsaw lang du’n sa issue na hindi naman nila pinanood ‘yung unang video,” paliwanag pa ng Kapamilya singer.
Dagdag pa ni KZ, nakasanayan na niyang kabiruan ang MayWard lalo na sila ni Maymay na parehong Bisaya.
“So nu’ng naglalabasan na ‘yung issue, nagpalitan na kami ng tweet ni Maymay. Sabi nita, ‘Ay naku ate, natawa na nga lang din ako kasi di nila nage-gets ‘yung vibes ng mga Bisaya,” sey pa ni KZ.
“Kasi kung papanuorin mo talaga ‘yung whole video, asaran lang talaga kami hanggang sa matapos asaran lang talaga kami. Lalo na nung pa-ending na, nung nasa harap nila ako lahat. Ako ‘yung pinakamatanda pero ako pinakamaliit,” pagpapatuloy pa ng Asia’s Soul Supreme.
Puring-puri rin ni KZ ang magka-loveteam, “Ang bait-bait ng dalawang batang ‘yun. Nu’ng nag-Singapore kami kasi kasama rin namin sila, so kami ‘yung magkakausap, ang bait-bait ng dalawang ‘yun. Meron kasing ibang tao na sinasakyan ‘yung mga ganu’ng issue. Porke nag-joke lang ng ganu’n kay Maymay, akala nila ganu’n talaga si Maymay. Guys ‘wag niyo sila paniwalaan.”
Hirit pa niya, “Maymay is one of the nicest in this industry. Kung paano niyo siya nakita nung nagsisimula pa lang siya, kapag na-meet n’yo siya ngayon ganu’n pa rin siya. Sobrang nakakatuwa ‘yung batang ‘yun. Sobrang nakakatuwa silang dalawa ni Edward.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.