Kris nagbabalak tumakbong senador sa 2019: Maybe you need a voice, I will pray!
POSIBLENG pasukin ni Kris Aquino ang mundo ng politika dahil marami pa ring naniniwala at nakikinig sa kanyang mga sinasabi.
Ito ang sinabi ni Kris sa kanyang live video bilang sagot sa pagtanggi ni Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) Mocha Uson na mag-sorry sa kanya at sa pamilya Aquino matapos nga nitong bastusin ang mga yumaong magulang ng Social Media Queen.
Maraming kumampi kay Kris na nagbigay pa ng words of encouragement sa kanya, kanilang na rito ang mga celebrities na hayagang nagbigay ng suporta sa kanya.
“Yung sinabi ko kagabi na may boses ako, na binigyan niyo ako ng boses, totoo naman iyon, e. Nag-iisip ho talaga ako ngayon, sincere ito, paano ko ba magagamit ang boses na iyan? Dahil nakikinig kayo sa kin.
“Ang Facebook (live video) alone, I was told that had live, has had more than five million views. So maybe my voice matters,” pahayag ni Kris.
Pero mukhang malabo naman itong mangyari dahil, “I have contracts, contracts that prevent me from running, contracts that I just signed. But maybe you need a voice. I’ll pray. I will pray about what is best for me to do.”
Dagdag pa niya, “Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy niyo akong pakinggan. Kasi pag naging parte na ako ng Senado, sasabihin niyo, naging kagaya lang ako nila.
“E, ngayon, pantay-pantay tayong lahat. Siguro iyon, e. Don ko tatapusin ito. Pantay-pantay tayong lahat. Lahat tayo naranasan na nating maapakan. Lahat tayo naranasan nating bastusin ang dignidad natin.
“Pero hindi ako pinalaki para sumuko. Kahit gaano kapagod. Pero hindi rin ako pinalaki para mambastos,” aniya pa.
May mensahe rin si Kris kay SAP Bong Go “Nananawagan na lang ako don sa isang taong nakinig sa ‘kin, Sir Bong Go, alam kong aabot ito sa iyo, hinihingi ko sa iyo, ‘yung sinabi ko na ikaw lang ang may kapangyarihan na puwedeng mangyari yon. Sana gawin mo, dahil umaasa ako sa iyo.
“Sana po pansinin niyo sa buong salitang ito, ni minsan wala pong batikos kayong narinig. Hindi iyan ang pagpapalaking ginawa sa akin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.