Baron buhay na buhay pa pero pinatay na: God bless the person who did it!
MARAMING Pinoy ang naniwala sa kumalat na balita na patay na si Baron Geisler. Nag-viral sa social media ang isang news article kung saan ibinalita ngang dead na ang kontrobersyal na aktor.
Fake news ang nasabing balita at mismong si Baron na ang nagsabing buhay na buhay pa rin siya. Nag-post ang aktor ng mensahe sa social media para pabulaanan ang maling balita.
“Siguro yung old self ko parltay (patay) na. Hehehe. May konting truth ang news (tatlong thumbs up emoticon). Pero mali parin ang magkalat ng fake news lalo na kung di kanaisnais. God bless the person who did it (sic),” ani Baron.
Nagse-celebrate ngayon ng kanyang birthday si Baron at kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitation program dahil sa pagiging lasenggo.
Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Baron na tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago, “Recovering from addiction is hard but possible if I am willing to accept that I have a problem/decease which is alcoholism that made my life unmanageable.
“I just have to work the steps because it works if you work and do it a day at a time. By God’s grace nothing is impossible and opportunities are limitless if I totally surrender and take it seriously. I can do all things though Christ who strengthens me. Philippians 4:13.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.