Sikat na sikat noong female celeb naloko sa mga biniling ari-arian, puro peke ang titulo | Bandera

Sikat na sikat noong female celeb naloko sa mga biniling ari-arian, puro peke ang titulo

Cristy Fermin - June 04, 2018 - 12:15 AM

WALANG ibang sinisisi ngayon ang mga taong nakakaalam ng istorya kung bakit at paano nagkaroon ng mga ari-arian ang isang pamosong female personality. Siya lang at walang ibang dapat sisihin dahil sa kanyang kapabayaan.

Nagagalit kasi ngayon ang babaeng personalidad dahil niloko lang pala siya nu’n ng mga nagbenta sa kanya ng mga lupa sa kanilang probinsiya.

Kuwento ng isang source, “Paano naman siyang hindi maloloko, e, masyado naman siyang matiwala sa mga taong lumalapit sa kanya? May makakaharap siya, may magpapakita ng mga dokumento, hindi na niya binubusisi kung legal ba ang mga papeles na ipinakikita sa kanya!

“Basta bitaw lang siya nang bitaw nu’n ng pera, i-pinapasa lang niya sa mga abogado niya ang mga dokumento, palaging ganu’n lang! Ni hindi nga siya umuuwi sa probinsiya nila para malaman kung puro legal ang mga lupang i-binebenta sa kanya!

“Ganu’n siya nu’n! Labas lang siya nang labas ng pera, ni hindi nga niya inaalam kung ano ang ibinebenta sa kanya!” simulang kuwento ng impormante.

Pagkatapos nang ilang dekada ay binalikan niya ang mga ibinentang lupa sa kanya, marami siyang hawak na dokumento, saka lang niya nalaman na maraming dokumento pala ang fake.

“Kaninong kasalanan ‘yun? Nadiskubre niya na ang mga lupa palang ibinenta sa kanya, e, nasa bundok, wala naman sa kapatagan, kaya paano niya mapapakinaba-ngan ‘yun ngayon?

“Ang ibang dokumento, e, peke pa, iba ang nakarehistro sa hawak-hawak niya, sino ngayon ang hahabulin niya, e, patay na ang mga lumapit sa kanya nu’ng mga panahong sikat na sikat pa siya at marami siyang datung!

“Kaya walang dapat sisihin du’n kundi siya rin, na-ging matiwala siya at pabaya, ni hindi siya nagbigay ng panahon para makita ang mga properties na ibinebenta sa kanya, kaya ganyan ang nangyari!

“Huwag na siyang magturo ng ibang tao sa kakula-ngan niya, huwag siyang nang-aaway ng mga taong wala namang alam sa pinasukan niyang transaction!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang milagrong mangyayari, dadami lang ang mga kaaway niya dahil sa sa-rili niyang pagpapabaya,” komento na lang ng source na may malalim na alam tungkol sa kuwento.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang pamosong female personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending