20% student fare discount epektibo sa buong taon-LTFRB
IGINIIT ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) kaugnay ng 20 porsiyentong diskwento para sa mga estudyante sa harap naman ng pagsisimula ng klase bukas.
Idinagdag ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na buong taon din dapat ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento para sa mga mag-aaral.
“Reminding all public utility vehicles to provide student discount, 20 percent po. Kahit holiday, kahit sunday, kahit Saturday (Even on holidays, even on Sundays and Saturday) — 24/7, 365 days po,” sabi ni Lizada.
“Kahit bakasyon, kahit sembreak, kahit Christmas break, binibigay ho ang student discount. Iyon po ang bagong patakaran ng LTFRB,” ayon pa kay Lizada.
Idinagdag ni Lizada na sakop ng 20 porsiyentong diskwento ang mga nag-aaral sa vocational at technical school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.