1 patay, 1 pa sugatan sa pagsabog ng LPG sa isang warehouse sa Pasay
ISA ang patay, samantalang isa pa ang sugatan matapos sumabog ang isang LPG sa isang gas refilling warehouse sa Pasay City kaninang umaga.
Sa isang ulat sa radyo, sinabi ng mga nakasaksi na agad na dinala ang mga nasabugan sa isang malapit na ospital.
Idinagdag pa ng ulat na nangyari ang pagsabog ganap na alas-10 ng umaga sa warehouse ng Island Air Products Corporation sa 137 Virata st. sa Pasay City.
Isinara naman ang warehouse sa media, pulis at Red Cross personnel. Tanging mga miyembro ng Bureau of Fire Protection ang pinayagang makapasok para sa imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.