ABS-CBN may news blackout pa rin kay Kris Aquino? | Bandera

ABS-CBN may news blackout pa rin kay Kris Aquino?

Cristy Fermin - June 03, 2018 - 12:30 AM

KRIS AQUINO

KAILAN kaya magiging laman ng mga shows ng ABS-CBN si Kris Aquino? Dalawang taon na ngayon na kahit anong kuwento o balita tungkol sa aktres-TV host ay hindi napapanood sa network.

Meron kayang usapan ang mga ehekutibo ng Dos na hindi puwedeng ipalabas sa kanilang mga nasasakupang programa ang kahit anong balita na tungkol kay Kris?

Parang nababaril ‘yun, parang may humaharang, dahil napakarami nang nagdaang kontrobersiyang pinagbidahan si Kris nang hindi man lang nakikisawsaw ang mga shows ng dati niyang network.

Pero sabi ng aming nakausap na source, “Ngayong meron na siyang ginagawang movie sa Star Cinema, e, alangan namang hindi pa rin siya puwedeng mapanood sa mga shows ng ABS-CBN? Natural, sa promo ng movie, e, mapapasama na rin siya.

“Project na nila ‘yun, hindi sa ibang production, kaya hindi naman kapani-paniwalang dededmahin pa rin nila si Kris? Siyempre, bida siya sa pelikula, kaya kailangang interbyuhin din siya sa mga shows ng Dos?” opinyon ng aming source.

Kung matatandaan, nang umalis si Derek Ramsay sa Dos ay hindi rin napapanood ang aktor sa istasyon, kahit nga ang poster ng pelikula kung saan ito kasali kapag ipino-promote ng kanyang mga kasamahan sa Dos ay iba.

Wala ang mukha at pangalan ni Derek Ramsay sa ipinakikitang poster ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending