Di ba kaya ni Usec Paras na bumili ng cellphone?
ANG pagpapatalsik sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng kanyang mga kasamahan sa Supreme Court ay dapat hindi panghimasukan ng iba, lalong lalo na ng mga banyaga.
Sinasabi ng International Commission of Jurists (ICJ) na hindi tama ang pagkakatanggal kay Sereno.
Bakit nakikialam itong ICJ?
Pakikialaman kaya nila ang US Supreme Court kapag tinanggal nito ang kanilang Chief Justice?
Dapat ay bigyan ng dirty finger ng ating Supreme Court ang ICJ.
Akala siguro ng mga dating colonial powers ng Europa at America na dapat manghimasok sila sa pagpapatakbo ng ating bansa dahil alipin tayo nila noon.
Magpapatuloy ang plunder trial nina dating Deputy Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Yan ang ruling ng Sandiganbayan na may hawak ng kaso.
Ang kaso ay pinagmulan nang diumano’y pagtanggap nina Argosino at Robles ng P50 milyon galing sa gaming tycoon na si Jack Lam.
Nakita sa video ang pagtanggap ng halaga kay dating police Senior Supt. Wally Sombero sa City of Dreams.
Kasama si Argosino sa kasong plunder.
Pero nakapagtataka naman, bakit isinama si Sombero sa kaso gayong messenger lang siya ni Lam?
Maaaring ang kasong isampa sa kanya ay bribing government officials, pero hindi plunder.
Napakabobo naman nitong si Ombudsman Conchita Carpio Morales na siyang nagsampa ng kaso kay Sombero!
Ipinagtatanggol ko si Sombero dahil alam kong wala siyang kasalanan.
May mga alingasngas na sumunod lang sina Argosino at Robles sa mga nakakataas sa kanila nang tanggapin nila ang malaking halaga.
Pero pinakiusapan daw sila ng kanilang mga “brod” sa Lex Talionis Fraternity.
Si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang dating mga bossing ng dalawa.
Si Aguirre, na miyembro din ng Lex Talionis, ang
nagrekomenda sa pagpasok nina Argosino at Robles sa immigration.
Inakusahan ni Party-List Congressman Tomasito Villarin si Labor Undersecretary Jacinto Paras na nagnakaw ng kanyang cellphone.
Bakit, hindi ba kaya ni Paras na bumili ng cellphone?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.