‘Sobrang epal ni XIAN LIM…manahimik ka!’
WE’D like to think that Kim Chiu is doing well – recovering fast sa pagpanaw ng kanyang ina. Of course, we feel for her and that means na iginagalang namin ang kanyang pangungulila.
May pakiusap ang pamilya ni Kim – including her of course because she is the center of everything dahil siya ang kilala for being a popular celebrity – but you know, you can’t help the talks around town, kasi nga, ganyan talaga ang isang public figure – sa anumang sitwasyon, meron talagang nasasabi ang mga tao.
Nu’ng mabalitang patay na ang ina ni Kim, ayaw nilang sabihin ang cause of death. Marami tuloy ang nag-isip – bakit? Is it something unusual na dapat ikahiya or what? Kaya hindi mo maiaalis sa ibang tao ang magduda.
A few days after ay lumabas din na namatay ito due to aneurysm. Mabuti na lang at lumabas ang cause dahil kung hindi, baka mag-speculate na naman ang mga malilisyoso at ikagalit lang nila.
Normally kasi,- simple lang naman ang ginagawang announcement for someone who passes away – NAME, AGE NANG MAMATAY and the CAUSE OF DEATH Ganoon lang kasimple. Walang paligoy-ligoy.
Next issue na naman na pinag-uusapan sa pagkamatay ng mommy ni Kim, lumalabas na merong something between Kim daw and her mom when she was still alive pero bago namatay ang kanyang mom, Kim visited her sa hospital and stayed for a while.
Nang pumanaw na ito, nagkataon naman na may schedule si Kim for a commercial shoot sa Thailand kaya hindi siya makakapunta sa libing. Hindi na raw kasi niya maiurong ang commercial shoot kaya wala siya sa libing ng nanay niya.
“Puwede naman siyang makiusap sa producers niya kung maaaring iurong to another date ang shoot. Pwede ring pakiusapan niya ang family niya na iurong ang libing para kahit sa huling pagkakataon ay maibigay niya ang lubos na pagmamahal at paggalang sa pumanaw na ina.
“Hindi mo kasi masisisi ang mga Pinoy kung mag-isip ng something against Kim dahil wala siya sa libing ng kanyang ina. Okay, nandoon na tayo, practical sila. But that’s not the way we do it in the Philippines.
This is a very matriarchal country, makaina ang mga tao rito and usually, yung mga nasa ibang bansa ay umuuwi talaga para sa libing ng kanilang mga mahal sa buhay – much more isang nanay pa.
Parang gusto naming maniwala na hindi talaga mahal ni Kim ang kanyang nanay dahil pumayag siyang wala sa libing nito.
“Ito namang si Xian Lim, napakaepal. Gusto pa yatang sakyan ang isyu.
Yes, nandoon na tayo, they talk about respect – respect – and respect. Oo na, iginagalang namin ang pakiusap ni Kim na irespeto naman ang kanilang pagdadalamhati.
Sino ba ang hindi? She doesn’t want interviews, so fine! Pero may mga isyu that go with this and we can’t help but comment.
“Natural na magtataka ang mga tao kung bakit hindi man lamang naipaglaban ni Kim na bigyan siya ng pagkakataong makasama sa paglibing ng sarili nitong ina kung talagang mahal niya ito? At nasa Pilipinas tayo, Xian.
“Kayo kasi, mga Chinese ang mga apelyido ninyo pero pinagkikitaan naman ninyo ang Pinoy market kaya balewala lang sa inyo. Hindi mo naman ‘yun ina, Xian – at hindi ka purong Pinoy kaya huwag kang epal.
“Manahimik na. Hindi ito isang pelikula na sasakyan mo na naman para makakuha ng pogi points. Si Kim na lang palagi ang nagdadala sa iyo sa katanyagan, pati ba naman sa pagkakataong ito, gusto mo pa ring umeksena?
Please naman,” litanya ng isang kaibigan namin. We’d like to balance all these issues, pero sabi nga namin, huwag muna sa panahon ngayon dahil nagdadalamhati pa ang pamilya ni Kim.
Pero we agree na nasa kultura talaga ng mga Pinoy na priority palagi ang pamilya lalo na sa ganitong mag sitwasyon, baka hindi aware si Xian dito dahil laking abroad siya kaya tama lang na huwag na rin muna siyang mag-comment nang mag-comment kahit sabihin nating super-close siya kay Kim dahil hindi ito makakatulong sa mga emote niya sa buhay.
“Ang mga isyu sa kanyang sarili ang asikasuhin niya, hindi yung pagsakay na naman sa isyu ni Kim. Okay na yung makisimpatya siya sa partner niya huwag na siyang mag-comment na parang mas marami pa siyang alam sa atin.
Mga artista sila kaya natural na pag-uusapan sila. “Kung ordinaryong mamamayan lang sila, baka hindi naman naging malaking isyu ito, di ba? Ang sagutin niya ay ang mga naglipanang blind items about him, yung mga lakad niya before and now. Tumigil nga siya,” dagdag pa ng kausap namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.