Kanin-baw, kanin-ball | Bandera

Kanin-baw, kanin-ball

Lito Bautista - June 01, 2018 - 12:10 AM

HUWAG balikan ang dating pamumuhay at mga pagnanasa noong mangmang pa kayo. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1P 1:10-16; Slm 98:1-4; Mc 10:28-31) sa Martes sa ikawalong linggo ng taon.

Si apostol San Pedro ay payak sa pananalita. Hindi siya nababahala sa paglilinaw dahil madaling pakinggan ang kanyang pananalita, sa tulong ni Silvano, alagad. Hanggang ngayon, Hunyo 2018, hindi kailangang ang ordinasyon para isapuso’t isaisip ang Pagninilay. Babalik pa ba ang hindi na mangmang sa tuwid na daan?

Kaydali namang maagnas na bangkay ang pagtataray ni Sereno. Ngayong la-wa na siya, nasaan ang pananakot na “betrayal of democracy” “triumph of one-man rule,” “threat to judicial independence” at “crippling effect” sa bansa, na mismong si Aquino ang nagbabala? Talo na naman ang kadiliman sa liwanag.

Nakalulungkot na may mga pari, madre’t obispo na ipinaglaban pa si Sereno. At ngayong tapos na ang laban at olats na, tahimik na rin sila at “move on” na. Ang mga miyembro ng simbahan ay tao lang, nagkakamali rin. Pero, pinandigan nila ang mali, na kailanman ay di magiging tama. Paano sila magbabalik-loob sa wasto?

Nalaglag sina De Lima, Sereno, Teo, Aguirre, atbp. Kung gayon, kapag tinastas si Robredo sa paraang legal at makatotohanan, kabilang na rin siya sa mga iginuhit ng tadhana sa lumot ng limot. Tama ang pangamba ni Robredo na (baka) siya na ang susunod. Di ba siya nagtataka kung bakit wala nang boss na naninindigan kay Aquino? Masaklap ang kapalaran, pero nariyan ang kalayaan.

Maraming paraan ang pandaraya sa balota. Sa halalan sa Tejeros Convention noong Marso 1897, malinaw ang pandaraya: sa mga balota na ipinamahagi, nakasulat na ang pangalang Emilio Aguinaldo. Ang mga wala sa asembliya ay nakaboto na. Sa eleksyon 2016, inutusan ang mga botante na buuin ang hugis itlog. Iyon pala, puwedeng hindi buuin para pumabor kay Robredo.

Kapag konti ang napulot na “mineral,” ang pamilyang ito sa kariton sa North Caloocan ay kanin-baw na naman ang hapunan: nakaplastic na kanin na may sabaw ng nilagang baboy. O kundi’y kanin-ball (kanin at fishball). Di sila manghihingi ng limos at mas lalong di sila magnanakaw. Pero, hanggang kelan, Digong, sila magtitiis sa mataas na presyo ng pagkain?

UST (Usaping Senior sa Talakayan, lower Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan): 71, 69, 65. Anyos; at sex once or twice a month. Walang problema kung kasal sa simbahan ang magtatalik. Mabuting balita: ayaw ng matatanda rito ang “dating” sa Internet. Sa isang kasi-60 lang (1958), nagtataka si lola bakit tanggap na ang disgrasyada ngayon. Ang disgrasyada noon ay bumabangon para maging mabuti. Ngayon, mas lalo siyang humihilata para maulit ang kasamaan (puwedeng tumugon ang taga-Mindanao; i-text 0916-5401958).

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Santa Rosa 2, Marilao, Bulacan): Madaling maalala ang kabiguan kesa maliliit na biyaya. Exhibit A, Sedes, stallholder, nasalisihan ng P55,000; Ex B, Ella, naholdap ng P35,000 pambayad sa ospital; Ex C, nanakawan ng P120,000. Hindi maunawaan ang “count your blessings.” Pero, naniniwala na nariyan si Jesus sa kanang siko para tulungan silang makatayo. Amen.

PANALANGIN: Nakita ng bansa ang pagliligtas ng Diyos at pag-alis ng bawat bagabag. Salmo 98:3, bahagi ng Ebanghelyo.

MULA sa bayan (0916-5401958): Karaniwan lang kami. Hindi kami naabutan ng tulong mula sa barangay dahil wala kaming kilalang opisyal. Bangon Marawi raw. Sila lang. …9611, Banggolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending