Emmeline Villar napaiyak sa ‘lupus’ book launch
Napaiyak si Cong. Emmeline Aglipay-Villar nang alalahanin ang sabi ng kanyang doctor na hindi na siya puwedeng manganak dahil sa pagkakaroon niya ng sakit na lupus.
Ibinahagi niya ang kuwentong ito sa launching ng pet project na “Lupus, Kayang-Kaya Ko ‘To!” last Wednesday habang panay ang punta ng anak nila ni DWPH Sec. Mark Villar na si Emma Therese sa stage habang nagsasalita ang ina.
Nagsilbing inspirasyon sa kongresista ang naranasang sakit upang ipalaganap sa kanyang libro ang awareness about the said illness mula nang i-launch ng Hope For Lupus Foundation last July, 2017.
Sinulat ni Cong. Villar ang libro katuwang sina Dr. Evelyn Osio-Salido, Dr. Geraldine Zamora-Racaza at Dr. Angeline Magbitang-Santiago. Pinoy na Pinoy ang pagkakasulat nito na may 33 pages kaya madali lang ito maintindihan.
Mabibili ang book sa major bookstores at lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa Hope For Lupus Foundation.
Sa launching ng libro, special guest speaker si Department of Health Sec. Francisco Duque na nagpahayag ng suporta sa pagpapalaganap sa kaalaman tungkol sa lupus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.