BBL lusot na sa Kamara | Bandera

BBL lusot na sa Kamara

Leifbilly Begas - May 30, 2018 - 05:54 PM
INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law. Sa botong 226-11 at dalawang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House bill 6475 na naglalayong palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao at tatawaging Autonomous Region of the Bangsamoro. Nangyari ang botohan matapos ang isinagawang caucus ng mga kongresista kung saan pinagdebatehan ang mga probisyon ng panukala. Sinabi ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat na isa sa pinag-usapan ang opt-in provision na tinututulan ng mga kongresista dahil pinapayagan nito ang pagpapatawag ng plebisito upang makasali ang iba pang lugar sa Bangsamoro Region matapos ang unang plebisito para rito. “And a substantial amendment would be there would only be one plebiscite. Meaning, it will be silent, because if there is no provision on periodic plebiscite then that means to say there’s only one plebiscite,” ani Lobregat. Ang plebisito kung saan madedetermina ang mga lugar na isasama sa ARB ay gagawin 90-120 araw matapos pirmahan ng Pangulo ang panukala upang maging isang ganap na batas. Ginawa rin umanong malinaw ang probisyon kaugnay ng kapulisan sa Bangsamoro Region. “Klaro na talagang one police force, national in scope. Wala nang Napolcom (National Police Commission) Board, the military won’t have to coordinate its movement and protocol.” Ang pulisya ng ARB ay nasa ilalim pa rin ng Philippine National Police at ang sundalo sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines. Magiging bukas umano ang pagpasok sa AFP at PNP ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front. Nang tanungin kung siya ay kontento sa ipinasang bersyon ng Kamara, sinabi ni Lobregat na “Well I am substantially satisfied, not fully, but substantially.” Ayon kay Lobregat muling tatalakayin ang BBL sa Bicameral Conference Committee meeting kung saan pag-iisahin ang bersyon ng Senado at Kamara de Representantes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending