Isa na namang opisyal sinibak ni Du30 | Bandera

Isa na namang opisyal sinibak ni Du30

- May 30, 2018 - 05:10 PM

SINIBAK ni Pangulong Duterte si Customs Deputy Commissioner Noel Prudente sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng Kamara laban sa opisyal dahil umano sa pagkakasangkot sa katiwalian at mga biyahe sa Singapore at Europe.

“Today as a starter, it’s a personal travel to Singapore, personal travel to Singapore, personal travel to Europe. Alam mo ba na hindi pa ako na… Nakapunta lang ako when I was a congressman, kami ni Villar. We passed by Paris. But we were on our way — palabas na, pauwi na. Hindi ako nakapuntang Europe ni minsan. Sa totoo lang. Passing by,” sabi ni Duterte.

“Ayaw pang mag… He is now under investigation by the House. Matagal na ‘yang investigation sa House pati recommendation lang ‘yan. So I will cut short the agony of Congress. I am firing him today. Noel Patrick Sales Prudente. I think he is a an assistant commissioner? Ah Deputy Commissioner. So I’ll make it easy for Congress. I’m firing him effective today,” dagdag ni Duterte.

Sa isang talumapati matapos namang saksihan ang pagsira sa mga smuggled na motorsiklo sa Maynila, inihayag ni Duterte ang pagsibak kay Prudente.

Nagsasagawa ang Kamara ang imbestigasyon kaugnay ng 105 shipping container na nakalusot sa Customs.
Pinangunahan ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr. ang paghahain ng resolusyon na kumuwestiyon sa pinalusot na mga container sa Customs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending