Angelica 25 years na sa showbiz: Ayoko ng sobra, doon ako sa sapat...at masaya ako!!! | Bandera

Angelica 25 years na sa showbiz: Ayoko ng sobra, doon ako sa sapat…at masaya ako!!!

- May 29, 2018 - 12:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN

MAY panibagong “hugot” na naman si Angelica Panganiban ngayong nagse-celebrate siya ng kanyang 25th year sa mundo ng showbiz.

Mahigit dalawang dekada na nga si Angelica sa showbiz, at marami-rami na rin naman siyang na-achieve bilang isang aktres. Pero para sa dalaga, napakarami pa niyang dapat patunayan para matawag na tunay na alagad ng sining.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mensahe si Angelica para sa lahat ng kanyang followers na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

“Dalawampu’t limang taon na ko sa industriya. Akala mo, kapag ganun ka na katagal, madami ka nang natutunan. Napundar. Napatunayan. Pero, eto ako. Alam ko, eto pa lang ako. Masaya ko. Kahit eto pa lang ako. Eto pinaniniwalaan ko. At sapat sa ‘kin to. Ayoko ng sobra. Dun ako sa sapat. Kaya masaya ako,” ang punumpuno ng pusong hugot ng dalaga.

Nagsimula si Angelica na mag-artista sa edad na 6. Marami na siyang nagawang teleserye at pelikula sa loob ng dalawang dekada. Ilang best actress award na rin ang kanyang tinanggap.

Sa ngayon, regular siyang napapanood sa Kapamilya gag show na Banana Sundae at very soon ay bibida na uli sa bagong teleserye ng ABS-CBN kasama si Zanjoe Marudo na may working title na Playhouse. Balita ring gagawa uli sila ng pelikula ni JM de Guzman na una niyang nakatambal sa award-winning movie na “That Thing Called Tadhana”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending