Maine inatake ng matinding kaba: Feeling ko premiere night!
DINAGA ang dibdib ni Maine Mendoza ilang minuto bago umere ang episode niyang “Laura Patola” sa Daig Kayo Ng Lola Ko nu’ng Linggo. Feeling niya eh, premiere night ng movie niya base na rin sa kayang tweet.
“True, feeling ko nga premiere ng movie! Hahaha!” unang tweet ni Meng.
Nakahinga siya nang maluwag nang umabot sa mahigit sa 1 million ang tweets sa hashtag na #MaineAsLauraPatola bago pa man nagsimula ang Kapuso weekly fantasy series.
Kaya naman napa-tweet uli ang Dubsmash Queen ng, “Grrrrrabe naman hindi pag nagsisimula yung show naka 1M tweets na! Nakakaloka kayo! Salamat guys! Ayan na five minutes nalang. Daig Kayo ng Lola Ko na! #MaineAsLauraPatola.”
Marami naman ang nag-comment na bagay talaga kay Meng ang role na ginampanan niya sa DKNLK, ‘yung kikay na palaban at may kaunting comedy. Sabi pa ng isa niyang fan, sana raw matuloy ang pagsasama nila ni Maricel Soriano sa pelikula dahil parang nakikita raw nila ang Diamond Star sa akting ni Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.