DOLE pinangalan ang Jollibee na una sa listahan ng sangkot sa labor-only contracting
INILABAS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng 20 kompanya na sangkot sa labor-only contracting kung saan una sa listahan nito ang fast-food giant na Jollibee Foods Corporation (JFC).
Base sa datos ng DOLE, umabot sa 14,990 ang mga kontraktuwal na empleyado ng Jollibee.
Pumangalawa naman sa Jollibee ang Dole Philippines, Inc. na may 10,521 empleyado na nasa labor-contracting.
Kabilang pa sa listahan ng DOLE ang mga sumusunod na:
– Philippine Long Distance Telephone (8,310);
-Philsaga Mining Corporation (6,524);
-General Tuna Corporation (5,216);
-Sumi Philippines Wiring Systems Corporation (4,305);
-Franklin Baker Inc. (3,400);
-Pilipinas Kyohritsu, Inc. (3,161);
-Furukawa Automotive Systems Phil., Inc (2,863)
-Magnolia Inc. (2,284)
-KCC Property Holdings, Inc. (1,802)
Sumifru Philippines, Corp. (1,687)
-Hinatuan Mining Corporation (1,673)
-KCC Mall de Zamboanga (1,598)
-Brother Industries (Philippines) Inc. (1,582)
-Philippine Airlines & PAL Express (1,483)
-Nidec Precision Philippines Corporation (1,400)
-Peter Paul Phil. Corporation (1,362)
-Dolefill Upper Valley Operations (1,183)
-DOLE-Stanfilco (1,131)
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello II na mula Hunyo 2016, umabot na sa 99,526 na kompanya ang naispeksyon ng departamento.
Idinagdag ni Bello, na umabot naman sa 3,377 kompanya ang umano’y sangkot sa labor-only contracting scheme.
Niliwanag ni Bello na hindi nila isinama ang mall giant na SM Malls sa listahan matapos namang magsumite ng isang voluntary regularization program, kung saan nangako ito na gagawing regular ang tinatayang 10,000 empleyado ngayong taon.
Sinabi pa Bello na mula Mayo 11, 2018, 176,286 empleyado na ang naging regular ng kani-kanilang kompanyang pinapasukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.