Pinoy-Japanese singer naka-relate sa ‘breakdown’ ni Sarah
TULAD ng idolo niyang si Sarah Geronimo, nararanasan din ng singer na si Maricar ang mag-breakdown in the middle of her performance. Kaya naiintindihan daw niya ang Popstar Royalty nu’ng mabalita na napaiyak ito habang nagko-concert sa Amerika.
“Noong napanood ko nga si Ms. Sarah, sabi ko, ‘Parang ako ‘to, a!’ Naalala ko ‘yung nangyari sa akin sa Japan. Pero si Sarah kasi sikat siya kaya talagang pag-uusapan ‘yung nangyari sa kanya,” pahayag ni Maricar.
Umiyak daw si Maricar habang kumakanta pero natutuwa naman ang kanyang audience na mga Japanese. Akala raw kasi ng mga Hapon ay part ‘yun nang pag-e-emote niya.
“Pumapalakpak sila habang umiiyak ako. Nangyari kasi ‘yun mismong birthday ko. May pinag-aawayan kami ng boyfriend ko that time. Tapos ‘yung song pa na kinakanta ko, ‘Listen.’ Akala nila sobrang feel ko ‘yung kanta at pagkatapos ng song nag-standing ovation pa sila,” pag-alaala pa niya.
Regular performer si Maricar sa Japan. Empleyado siya ng kumpanyang Kentos group. Dalawa ang tinutugtugan niyang club/bar doon.
Winner si Maricar as second placer sa Japan Karaoke Grand Prix na isang prestigious contest doon na ipinalabas sa TBS Network. Most awarded champion din siya sa UTAWIT, a grand singing competition para sa mga Pinoy-Japanese singers sa Japan.
Sa pag-uwi niya sa bansa, nakagawa ng album si Maricar and that was the time na nakilala niya si Vehnee Saturno. Nakagawa siya ng album with him at nu’ng pumasok sa top 10 sa Love Radio ang single niyang “Mahal Mo Na Siya” ay saka naman niya kinailangang bumalik ng Japan.
And now, ready na siya to take a big leap from a flourishing career in Japan to the Philippines. Kaya naman tinawag si Maricar bilang “Crossover Songtress” na ngayon ay naglabas muli ng bagong album na puno ng kantang may “makabagong tunog” titled “Maricar…Untold.”
Kabilang sa album ang favorite niyang “Lumuluha” at “Tahan Na”. Umaasa si Maricar na ang second album niya ay tatangkilikin ng kanyang mga kababayan at mabigyan ng chance na makilala ang kanyang talent sa sarili niyang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.