Pinay bibitayin sa China; PNoy umapela | Bandera

Pinay bibitayin sa China; PNoy umapela

Bella Cariaso - , June 28, 2013 - 05:14 PM


UMAPELA kahapon si Pangulong Aquino sa China na patawarin ang isang Pinay na nahaharap sa bitay dahil sa pagbibitbit ng 13 kilo ng heroin sa nasabing bansa.

Nakatakdang bitayin ang 35-anyos na babae kahapon hanggang Hulyo 2 kaya naghahanda ang pamilya niya na lumipad patungong China para sa huling pagbisita, ani Raul Hernandez, spokesman ng Philippine Department of Foreign Affairs.

Dinakip ang babae sa Hangzhou International Airport noong Enero 2011 kasama ang isa pang Pinoy. Natagpuan ang mga droga sa kanyang maleta. Nasentensyahan din ng kamatayan ang kanyang kasama.

Napag-alaman ng mga otoridad sa China, ani  Hernandez, na 18 beses nagpuslit ng droga sa bansa ang akusado simula pa noong 2008.

Binayaran siya ng $3,000 hanggang $4,000 sa bawat pagbibitbit. Nagpasok siya ng not guilty plea subalit malakas ang mga ebidensya sa kanya.

Idinagdag ni Hernandez na ipinadala kahapon kay Chinese President Xi Jinping ang sulat ni Aquino na nakikiusap na gawin na lamang habambuhay na kulong ang igawad na parusa sa babae.

Matatandaang ibinasura ng China ang apela ng Pilipinas upang pigilan ang pagbitay sa apat na Pilipino na drug convict noong 2011.

Ayon sa DFA, aabot sa 213 Pinoy ang nahahaharap sa kasong may kaugnayan sa droga sa China. Ayon kay Hernandez, 28 dito ay pinatawan ng parusang kamatayan at  67 ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending