Concert ni Michael Pangilinan sa ibang bansa nilangaw daw
NU’NG una ay ayaw naming maniwala sa natanggap naming balitang may koneksyon sa singer na si Michael Pangilinan.
Naisip kong baka gusto lang magpakakontrobersiyal ng taong nagparating sa amin ng kuwento o di-kaya’y mismong ang taong involved ang nais lang mag-ingay.
Hanggang sa nakumpirma namin ito mula sa isang reliable source at mismong napagkuwentuhan ng mga taong nakasaksi. Kumpirmadong nilangaw ang show ni Michael Pangilinan sa ibang bansa noong March 8.
Masakit mang tanggapin dahil naging anak-anakan din namin ang male singer pero ito ang totoo. Grabe raw kasi ang mahal ng ticket sa concert ni Michael kaya halos wala raw bumili.
“Kabayan News ang nag-produce. Sa Boracay Club Asiana Hotel ang venue. Umaangal yung manager ng club dahil naka-hold ang salary niya until mabayaran ng producer yung kulang sa venue. Kawawa naman. Nu’ng March 8 pa ang concert pero until now ay naniningil pa rin yung manager.
“Almost 500 ang capacity ng venue pero 89 lang ang nabentang tickets,” lahad ng aming source.
May kasalanan din dito ang producer ng show dahil sobrang mahal daw ng presyo ng ticket lalo pa’t hindi naman maituturing na superstar ang magso-show.
Wala namang pakialam diyan si Michael Pangilinan kung tutuusin dahil bayad naman ang talent fee niya.
Yun nga lang, nakakahiya talaga dahil hindi man lang nakabawi ang producer at nagkaroon pa ng mga aberya.
Kinukuha pa rin namin ang paliwanag ng mga taong involved sa balitang ito at umaasa kami na maaayos din ang kanilang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.