Ex-Cong naiisahan si misis sa pagbabantay | Bandera

Ex-Cong naiisahan si misis sa pagbabantay

Den Macaranas - May 25, 2018 - 12:10 AM

DAHIL sa higpit ng kanyang misis na pulitiko kaya nakaisip ng paraan ang isa dating pulitiko kung paano niya maitutuloy ang kanyang pagiging chikboy.

Ayon sa ating Cricket, isinasabay ng dating mambabatas sa kanyang pagdalo sa mga speaking engagement o kaya ay NGO meeting ang pambababae.

Pinakahuli rito ang dinaluhan niyang meeting sa isang hotel sa Quezon City kung saan ay kabilang siya sa mga opisyal ng isang non-government organization.

Makaraan ang kanyang opening statement sa naturang event ay biglang naglaho si Sir.
Sinabi ng ating Cricket, sinundo nito sa lobby ng hotel ang kanyang chi-ching at pagkatapos ay dumiretso sa kanyang inireserbang kwarto.

Hanggang sa natapos ang event ay hindi na nakita ang ex-mambabatas na malamang ay nagpakaligaya sa piling ng kanyang girl.
Makalipas ang limang oras ay sabay na nakitang naglalakad sa lobby ng hotel ang dalawa pero hindi magkahawak-kamay para nga naman hindi halata.

Sinabi ng ating Cricket na hindi na inihatid sa sasakyan si Girl at dumiretso naman sa isang kalapit na coffee shop si Sir kung saan ay naghihintay naman ang isa pa niyang ka-meeting.

Dati nang naging laman ng mga balita ang dating mambabatas dahil sa report na isa siyang drug user.

Kilala rin siya bilang tirador ng mga magagandang empleyado sa Kongreso.
Pero nang matapos ang kanyang termino ay humalili sa kanya si misis pero kahit na nasa Kongreso ito ay panay ang kanyang pagmomonitor sa kanyang palikerong mister.

Noong miyembro pa ng Kamara ay kabilang ang bida sa ating kwento sa hanay ng mga pinakamayayamang mga kongresista kaya naman madali niyang nakukuha ang mga nakukursunadahan niyang chicks.

Ang dating mambabatas mula sa Metro Manila na isinasabay sa kanyang mga official meetings ang pakikipagkita sa kanyang mga chicks si Mr. R…as in Rich Son.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending