'Swimsuit' ni Karla hindi aprub sa mga anak: Pero rock 'n roll kasi ang kanilang nanay! | Bandera

‘Swimsuit’ ni Karla hindi aprub sa mga anak: Pero rock ‘n roll kasi ang kanilang nanay!

Alex Brosas |May 22,2018
facebook
share this

‘Swimsuit’ ni Karla hindi aprub sa mga anak: Pero rock ‘n roll kasi ang kanilang nanay!

Alex Brosas - May 22, 2018 - 12:10 AM


HINDI issue kay Karla Estrada ang mag-swimsuit kahit na mataba siya.

Nag-trending ang beauty ni Karla recently dahil nag-post siya ng kanyang swimsuit photo sa Instagram.
“Ang pagsu-swimsuit, kailangang maging malinaw sa lahat ‘yon na iyon ang talagang outfit sa beach.

Hindi iyon ang magiging definition ng pagkatao mo kung malandi ka ba o hindi,” she said during our chikahan sa set ng latest movie niyang “Familia BlandIna” produced by Arctic Sky Productions.
When one asked kung okay iyon sa mga anak niyang lalaki, lalo na si Daniel Padilla, she explained na hindi.

“Siyempre, lalaki sila kaya iba ang pananaw nila. Alam naman nilang rock ‘n roll ang nanay nila, eh. Wala rin namang makikita kasi nakatakip lahat ng taba. Nagkataon lang na ako lang ang malakas ang loob at artista ako na mataba na parang walang karapatang mag-swimsuit.”

She revealed na ang swimsuit na kanyang isinuot ay ibinigay pala ng sikat na swimsuit company sa New York.

“Actually, career na ‘yon kasi pinadala sa akin ang swimsuit from Swimsuits for All na ang pinanggalingan niyan ay sa New York. It’s an international brand na ang model ay si Ashley Graham.

“Pinromote ko talaga kasi in-email nila ako kung okay sa akin. I wasn’t paid for that. Hinanap nila ako. Siguro tumitingin sila sa ibang countries kung sino ‘yung kilala na plus size. Natuwa sila kasi ang daming likes.”

Nang matanong kung carry niyang rumampa sa stage wearing swimsuits, she said, “Okay lang, pero hindi, eh. Kung sa beach lang, okay lang kasi kapag ganoon hindi na makatwiran ‘yon. Nakakahiya na ang 100,000 cellulites (ang makikita).”

Hindi pala big deal kay Karla ang kanyang plus-size body, “Hindi ever. Naloloko ko kasi ang sarili ko, eh. Wala naman akong insecurities.”

Role ng isang nanay na puro blondie ang mga anak ang ginagampanan ni Karla sa “Familia BlandIna” under the direction of Jerry Lopez Sineneng. Makaka-join ni Karla sa movie sina former PBB housemate Marco Gallo and child star Xia Vigor, with comedian Jobert Austria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending