Ika-5 panalo asinta ng Rain or Shine Elasto Painters | Bandera

Ika-5 panalo asinta ng Rain or Shine Elasto Painters

Angelito Oredo - May 20, 2018 - 12:08 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Rain or Shine vs GlobalPort
6:45 p.m. Brgy. Ginebra vs Phoenix
Team Standings: Rain or Shine (4-1); TNT (4-1); Alaska (4-1); Meralco (3-1); GlobalPort (3-2); Columbian (3-3); Phoenix (2-2); Magnolia (2-1); Barangay Ginebra (1-2); NLEX (1-4); San Miguel Beer (0-3); Blackwater (0-6)

IKALIMANG panalo ang tututukan ng Rain or Shine Elasto Painters sa pagsagupa nito sa GlobalPort Batang Pier habang asam ng Barangay Ginebra Gin Kings ang ikalawang sunod na panalo kontra Phoenix Fuelmasters sa mga laro ngayon ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Elasto Painters, na surpresang inokupahan ang unang puwesto, sa ganap na alas-4:30 ng hapon ang Batang Pier na asam ang ikatlong panalo habang magtatagpo ang Gin Kings, na hangad mapaganda ang kartada, kontra sa galing sa kabiguan na Fuelmasters dakong alas-6:45 ng gabi.
Huling binigo ng Elasto Painters ang nagtatanggol na kampeon at hangad ang ikalawang grand slam sa liga na San Miguel Beermen sa overtime, 123-119, na nagtulak sa koponan sa pagkubra ng unang puwesto sa bitbit nitong 4-1 record.

Binigo naman ng Batang Pier para sa ikatlo nitong panalo sa loob ng limang laro ang NLEX Road Warriors, 116-94, upang manatili sa kalagitnaan ng standings sa 3-2 kartada sa maigsi lamang na eliminasyon ng ikalawang kumperensiya ng liga.

Mahalaga ang bawat panalo para sa Batang Pier gayundin sa ikalawang magsasagupa na Gin Kings at Fuelmasters upang makaangat sa standings at makaiwas sa posibleng maagang pagkakapatalsik sa torneo.

Mismong si Gin Kings coach Tim Cone ay nag-aalala sa magiging kampanya ng koponan na agad nakalasap ng magkasunod na kabiguan bago nagawang maitala ang unang panalo kontra Blackwater Elite, 105-91.

Inaasahan naman nito na dadaan sa matinding pagsubok kontra sa Fuelmasters.

“Phoenix has played us very well over the last year, beating us 3 out of 4 times so we’re very weary of them. They play us with a lot of pressure to counteract our size and that can create problems. Hopefully, we’ve put some things in to counter what they’ve done in the past which makes us more ready. We need this game to keep pace with the leaders,” sabi ni Cone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending