Dagdag na P1,000 SSS pension ibigay | Bandera

Dagdag na P1,000 SSS pension ibigay

Liza Soriano - May 19, 2018 - 12:10 AM

ISINUSULONG ng Social Security System (SSS) ang pag-isyu ng Executive Order (EO) o ang pag-amyenda sa Republic Act 8282 o Social Security Law of 1997 para sa pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga SSS pensioners.

Maibibigay lamang ang ikalawang bahagi ng dagdag-benepisyo sa pamamagitan ng EO mula sa Malacañang o di kaya ang pag-apruba ng panukalang batas na amyendahan ang SSS Charter.

Ang SSC ay walang kapangyarihang magbago ng halaga ng kontribusyon o buwanang pensyon. Tanging ang Pangulo at ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na aprubahan ang dagdag pensyon.

Layunin ng SSS ay ang maipatupad ang pangalawang bahagi [ng pensyon] sa termino ng Pangulong Duterte, na maaaring maaprubahan hanggang sa kanyang huling taon ng panunungkulan sa 2022,”

Inanunsyo ni Pangulong Duterte noong Enero 2017 ang pag-apruba sa P2,000 dagdag pensyon at kaniya ring ipinagkaloob sa taong iyon ang unang P1,000, habang ang natitirang P1,000 ay maipapatupad sa taong 2022 kasabay ng pagpapatupad ng mga mekanismo para manatiling matatag ang pension fund.

Ang pension fund ay naglabas ng P33 bilyon noong 2017 para sa paunang P1,000 dagdag pensyon. Mas mataas ang halagang kakailangan para sa pangalawang bahagi ng dagdag pension dahil dumadami ang mga pensyonado nang halos 100,000 kada taon.

Ipinaliwanag din ng SSS na tumaas ang kanilang koleksyon upang matustusan ang lumalaking benepisyo na kailangang ibigay ng SSS.

Sa katunayan, tumaas ng 10.6 porsyento ang koleksyon ng pension fund mula sa P144 bilyon noong 2016.

At para masuportahan ang pagbibigay ng ikalawang bahagi ng dagdag benepisyo, ay kinakailangang maaprubahan ang pagtaas ng contribution rate o ang pag-adjust ng minimum at maximum salary credits sa SSS

Makaklikomng halos P7 bilyon sa huling tatlong buwan ng 2018 kung ang iminumungkahing 1.5 porsyenteng dagdag kontribusyon at pagbabago ng minimum salary credit mula sa P1,000 ay maging P4,000 at maximum salary credit mula sa P16,000 ay maging P20,000 ay maipapatupad sa Oktubre.

Ang panukalang pagtaas ng halaga ng kontribusyon ay parehong kapakipakinabang sa pension fund, pensioners at mga kasalukuyang miyembro nito.

Pagkatapos na maipatupad ang first tranche ng karagdagang benepisyo noong 2017, umiksi ang fund life ng SSS mula 2042 ay naging 2032 ito. Kung ang second tranche ng karagdagang pension ay maipatupad sa 2019 ng walang mekanismo sa pagkuha ng pondo, pitong taon o hanggang sa 2026 na lamang ang buhay ng pondo ng SSS.

SSS Pres and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending