‘John Lloyd, hindi mo kami mapaglalaruan forever!’
WELL, kung ang video clip ni kaibigang Mario Dumaoal ang aming pagbabasehan, kitang-kita ang malaking pagbabago sa “attitude” ni John Lloyd Cruz sa pagharap sa media.
Ang nakita namin sa ipinalabas na maikling video clip ng encounter ng kilala at beteranong reporter ng TV Patrol kay Lloydie sa isang event (art exhibit sa UP Diliman) kung saan isa siya sa featured artists, ay ang pagiging “dissonant artist” nito.
Ayon sa aming napag-aralan, ang mga artists na nasa ganitong grupo ay kadalasang non-conformist o kumbaga sa musika, ay “out of harmony”, pero nagpapanatili ng kakaibang sigla sa napili nilang sining.
Sila yung klase ng mga dating artist o hindi mga naging artist na naghahanap ng “substance” at “meaning” sa pagitan ng trabaho bilang artist. Nakakalito at nagpapakalalim, pero sadyang mahabang diskurso ang usaping ito.
Basta base sa aming nakita, the fact na nag-e-enjoy si Lloydie sa kanyang “existence” bilang nakilala at award-winning na actor na ngayo’y tila nasa ibang dimensyon ng kanyang pagiging alagad ng sining, meron na siyang bagong mundong ginagalawan.
Nakakaloka para sa isang ordinaryong tumatangkilik sa showbiz. Sadyang napakalalim nga ng pagkatao ngayon ni Lloydie.
Yun nga lang, sa puntong meron pa rin siyang mga gawaing “komersyal” gaya ng mga product endorsement, du’n pumapasok ang conflict kung siya ba’y alagad ng sining na nais lamang ipahayag ang kanyang sarili o isang nagpapakalalim na artist pero ang habol pa rin ay pera?
Hay, ewan ko sa ‘yo Lloydie, pinasasakit mo ang ulo namin. Pero hindi mo kami habang buhay na mapaglalaruan sa mga gusto mong patunayan.
Hangga’t kasi pinagkakakitaan mo ang industriya sa paraang komersyal, kailan man ay hindi ka namin tatawaging “tunay na alagad ng sining” sa aming bokabularyo! Nalunod ba kayo sa pagpapakalalim ko?
Ha-hahaaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.