Matandang singer na ubod ng yabang binoldyak ng mga kagrupong musikero
PINAGPISTAHAN ng isang grupo ang naganap nu’ng minsang mag-concert sa ibang bansa ang isang grupo ng mga male singers na puro may napatunayan na sa kanilang mundo.
Nagkaproblema ang kanilang mga prodyuser dahil sa palaging pagkokontrahan ng dalawa nilang miyembro. Napakasimple lang ng kanilang argumento, kung sino ang una at huling kakanta sa show.
Kuwento ng isang miron, “Ang gusto kasi ni ____ (member ng grupo na may edad na), e, siya ang pinakahuling kakanta, siya ang magsasarado ng concert.
“Ang gusto naman ng isa, e, production number ang magtatapos sa concert para lahat sila, e, nasa entablado. May point naman siya, kailangang lahat sila, e, on stage sa last number nila.
“Pero ayaw pumayag ng masyonda nilang co-member, kailangang siya ang last na kakanta, kanya ang entablado. Siya raw dapat talaga ang pinakahuling kakanta dahil siya ang pinakasikat sa grupo nila, siya raw ang nagdadala ng show, kaya siya dapat ang last man onstage,” unang kuwento ng aming impormante.
Nang tanungin ang iba pang miyembro ng grupo para matapos na ang pagtatalo ng dalawa ay sumang-ayon ang mga ito na lahat sila ay dapat nasa stage pa sa pinakahuling number.
“Talo ang masyondang singer, kinabog siya ng mga kasama niya, hindi nasunod ang gusto niya na siya dapat ang huling-huling kakanta. Ang gusto kasi niyang mangyari, e, tatawagin na lang niya ang mga kasamahan niya para sa curtain call.
“Kahit kailan naman, e, ganu’n ang masyondang ‘yun, kailangang siya ang bumibida sa show, siya dapat ang pinakahuli sa kanilang lahat. Kaya palagi silang nagtatalo ng mga kasamahan niya, e.
“May mga pagkakataon ngang hindi man lang siya kinakausap ng mga kapwa niya musikero, hindi lang ‘yun nahahalata sa show mismo, pero hindi nila kasundo ang matandang singer na ‘yun!
“Di ba, nagso-show ang mga kasamahan niya na hindi siya kasali? Para wala nang problema, para makakilos sila nang malaya, para walang nagrereklamo!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na! Siguradong kilalang-kilala n’yo na kung sino ang epal na member ng grupong ito. Punumpuno na sila, sa totoo lang, sa masyondang kasamahan nila!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.