Sino ang nagpalago ng digital business ni Kris?
ANG taong nagma-manage ng Digital Online business ni Kris Aquino na si Nicko Falcis ay nagtapos na ng kanyang masteral sa New York City, USA.
Lumipad patungong Amerika si Nicko para personal na tanggapin ang kanyang diploma para sa Master of Science in Global Finance.
Ilang taon palang hawak ni Nicko ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) ay napalago na niya ito nang husto. Nasabi niya sa amin na as of this writing ay umabot na sa 54 hanggang 57 endorsements at brand partners ang KCAP.
Napakasimpleng tao ni Nicko na kapag tinitingnan namin sa di kalayuan kapag kausap namin si Kris ay laging may hawak-hawak na mga kontrata, isa-isa niya itong binabasa bago pirmahan ng kanyang Lady Bosss.
Minsan ay nakita rin namin siyang nakikipag-meeting sa kliyente at grabe bossing Ervin, wala pang kalahating oras ay tapos na at done deal na. Ganu’n kadaling kausap ang nagma-manage ng negosyo ni Kris.
Ang caption ni Kris sa in-upload niyang litrato ni Nicko sa Instagram na nakasuot ng toga, “This person is responsible for helping me pick up the shattered pieces of me, not afraid of getting himself bloodied along the way. And together I feel we did a good job because the new me came out a better & stronger version.
“I celebrate @nix722 today, he just had his graduation ceremony in NYC. He finished his Master of Science in Global FinanceNYU Stern- HongKong University of Science and Technology.
“Pagyabang ko lang, before that he graduated Magna Cum Laude from UP BS BAA (double major Business Administration & Accountancy). Thank you for believing, Nicko. And thank you for continuing to encourage me to aim higher & work harder! We (TEAM KCAP) love you!!!”
Yes two years ago ay wala nang balita kay Kris nu’ng mawala siya sa telebisyon, pero sa tulong ni Nicko ay dumami ang brand partners niya at nag-renew pa ang iba plus nabuhay ang movie career niya sa tulong naman ng non-digital manager niyang si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment.
Lahat naman ng success ni Kris ay tinatanaw niya sa mga taong nakatulong sa kanya. Congrats Nicko mula sa amin dito sa BANDERA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.