Ilan pang opisyal na dawit sa korupsyon sinuspinde ni Duterte | Bandera

Ilan pang opisyal na dawit sa korupsyon sinuspinde ni Duterte

Bella Cariaso - May 16, 2018 - 08:57 PM

 

ILAN pang mga opisyal ang sinuspinde ni Pangulong Duterte dahil sa pagkakasangkot diumano sa korupsyon.

Sa isang ambush interview sa Malacanang, sinabi ni Duterte bukod sa dalawang assistant secretary na nauna nang pinagbitiw, pinatawan na rin ng suspensyon ang ilan pang opisyal dahil sa katiwalian.

Idinagdag ni Duterte na nakatalaga ang mga opisyal sa Department of Justice (DOJ), Bureau of Customs (BOC) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa mga opisyal na nauna nang pinagbitiw ni Duterte ay sina Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon, Sr. at Public Works and Highways Assistant Secretary Tingagun A. Umpa.

Idinagdag ni Duterte na iiendorso sa Office of the Ombudsman ang mga sinuspindeng opisyal para ito na ang magsagawa ng imbestigasyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending