ABS-CBN sawa nang maghintay kay John Lloyd
IF on the verge na gusto na nating sukuan ang isang bagay at nasasambit natin ang mga katagang, “We can only do so much,” puwede ring ikatwiran ng ABS-CBN that “we can only wait so much.”
Ang tinutukoy namin ay ang tila walang katiyakang pagbabalik ni John Lloyd Cruz to resume his TV work given the long period of time na ipinaghihintay ng network.
Nang dahil sa pag-ibig (pahiram, Anthony Castelo), wala ngang kaabug-abog na lumayas si JLC from his home sweetie home leaving the Home Sweetie Home staff clueless kung babalik pa ba ito o hindi na.
JLC, being a major star, ay hindi nga naman basta-bastang dedesisyunang tanggalin sa show. But if it were a lesser minion, hindi ‘yon para pag-aksayahan ng network?
But JLC—just like Ana Dizon—is JLC, after all. Special rules must apply to him na hindi puwedeng isabatas sa mga artists ng istasyon na hindi kasinggaling o kasing-bankable ni JLC.
Reality dictates and indicates, however, that the TV network has the last say.
Hindi mo ipinaghihintay ang pinagkukunan mo ng kabuhayan unless you’ve become the source of kabuhayan yourself.
Minsan nang nagtrabaho sa HRD (human resources department) ang inyong lingkod. Walang iniwan si John Lloyd from the multitudes of job-seekers.
Hindi lang kasi galing ang hinahanap or expected of an applicant. Mahalaga ang work attitude.
From the looks of it, natabunan na ang husay ni JLC by his seeming disinterest toward his work, if not toward his career.
ABS-CBN could only do and wait so much.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.