NAGTALA ang PhilJobNet ng 11,794 trabaho ngayong linggo, karamihan ay matatagpuan sa business process outsourcing (BPO), sales, food, at health sector. Ang PhilJobNet ay ang internet-based job and applicant matching system ng labor department.
Ang mga nasabing trabaho ay kumakatawan sa pangunahing 20 bakanteng posisyon sa PhilJobNet.
Hinihimok ang publiko na gamitin ang pinalakas na serbisyo ng PhilJobnet para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.
Sa pangunahing bakanteng trabaho ay para sa posisyon na call center agent – 3,592; retail associate – 1,039; salesman – 724; service crew – 724; retail trade salesman – 655; customer service assistant – 619; cashier – 515; staff nurse – 486; sales clerk – 388; at car driver – 370.
Ang iba pang bakanteng posisyon ay household attendant – 347; public health nurse – 297; delivery driver – 292; market salesperson – 269; non-formal education teacher – 260; bagger – 253; waiter (general) – 251; driver (government) – 250; financial/accounts specialist – 248; at food server – 215.
Nakalista din sa job portal ang mga gaganaping job fair para sa buwan ng Mayo:
Mayo 16 – 2nd Floor, Vista Mall, Roman Hiway, Cupang Proper, City Of Balanga, Bataan (Central Luzon); Bulwagang Teodulfo Domingo, University Of St. Louis, Tuguegarao City, Cagayan (Cagayan Valley); Burgos Community Center, Burgos, Isabela (Cagayan Valley);
Mayo 17 – Sabang Park Pavillion, Bulan, Sorsogon (Bicol Region)
Mayo 18 – Brgy. Talamban, Cebu City (Central Visayas); Gymnasium, Tayug, Pangasinan (Ilocos Region);
Mayo 21 – Provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya (Cagayan Valley);
Mayo 22 – Jimenez Municipal Gymnasium, Misamis Occidental (Northern Mindanao); Vista Mall Events Hall, Antipolo City, Rizal (CALABARZON); Pangasinan PESO, Alvear St., Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan (Ilocos Region);
Mayo 23 – ABC Hall, Panabo City, Davao del Norte (Davao Region);
Mayo 24 and 25 – Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (Northern Mindanao);
Mayo 24 – Monkayo College of Arts, Science and Technology (Davao Region);
Mayo 25 – Brgy. Labangon, Cebu City (Central Visayas); 3rd Floor Mangaldan Municipal Building, Mangaldan, Pangasinan (Ilocos Region);
Mayo 26 – SM City Cebu Trade Hall (Central Visayas); Brgy. Talomo (Davao Region);
Mayo 28 at 29 – MMSU, Teatro Ilocandia, Quiling Sur, Batac City (Ilocos Region);
Mayo 28 – Meycauayan Convention Center, Poblacion, Meycauayan, Bulacan (Central Luzon);
Mayo 29 – Farmer’s Training Center, Central Mindanao University Town, Musuan, Maramag, Bukidnon (Northern Mindanao);
Mayo 30 – City Covered Court, Valencia City Hall, Valencia City, Bukidnon (Northern Mindanao); Activity Center of Tanay Municipal Hall, Tanay, Rizal (CALABARZON)
Maaari ring mag-log on ang mga naghahanap ng trabaho at employer sa https://philjobnet.gov.ph para sa mga karagdagang impormasyon sa bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo.
Ms. Ana Dominique Tutay
Director
Bureau of Local
Employment (BLE)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.