Kahit may mga tumitira sa akin, never ako pumatol! – Richard P. | Bandera

Kahit may mga tumitira sa akin, never ako pumatol! – Richard P.

Reggee Bonoan - May 15, 2018 - 12:40 AM


“NAKARAMDAM na ba ako ng emptiness? Hindi masyado, hindi ko alam kung bakit.” Ito ang simulang tugon ni Richard Poon nang tanungin namin kung may bahagi ba ng buhay niya na hindi siya naging masaya.

“Siguro dahil sa Sessionistas masaya kami no’n ilang taon din ‘yun, seven to eight years. Tapos nag-asawa pa ako, hindi ako nagiging lonely kasi bestfriend ko pa ‘yung asawa ko. Blessed lang siguro ako na I didn’t feel empty,” sabi pa ng singer.

“Burnout? Hindi rin, e. I think tamang phasing sa buhay. Awa ng Diyos hindi naman ako empty at burn out,” ani RP. Sabay birong, “Teka, nag-breakdown na ba ako sa show ko? Hindi pa naman?” Na may konek nga sa nangyari kay Sarah Geronimo nang mag-concert siya sa US.

Pagpapatuloy pa ni Richard, “Magandang may pinaghuhugutan ka na hindi career mo, kasi kapag career once na nawala siya o tinanggal ka sa show diretso sa depression ka talaga. Alam ko kung saan ako nakakapit, kung wala akong career, buo pa naman ako kahit na may tumitira na hindi ko pinapatulan.”

Sampung taon na ang singing career ni Richard Poon kaya naman ise-celebrate niya ito sa pamamagitan ng bagong concert, ang “RP10: Richard Poon 10th Anniversary Concert” na gaganapin sa Biyernes, Mayo 18, sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Excited si Richard dahil ang pangarap niyang mag-show na may kasamang 21-piece orchestra ay matutupad na. Kadalasan kasi ay hanggang 4-8 piece lang ang bandang kasama niya. Bukod dito lahat ng naging bahagi ng 10 years niya sa entertainment industry ay pinakiusapan niyang mag-guest tulad nina Kean Cipriano, Nyoy Volante at Sitti na kasama niya sa Sessionistas.

Kabilang din ang kapwa niya crooner na si Richard Yap na ayon kay RP, “I’m so thankful with Richard dahil ang alam ko may importante siyang lakad o may taping pero he promised me to drop by.”

At hindi rin malilimutan ni Richard sina Erik Santos at Christian Bautista na parehong malapit sa kanya simula nang mag-umpisa siya bilang Crooner. Makakasama rin niya sa show sina Moira dela Torre at K Brosas.

Sa direksyon ni John Prats ang “RP10” ay produced ng Cornerstone Concerts at Resorts World Manila.
Ilang beses na kaming nakapanood ng shows ni Richard kaya natanong siya kung anong bago sa “RP10”, “Well, excited nga ako sa 21-piece orchestra at sasayaw din ako, gusto ko kasi mala-Bruno Mars na sumasayaw pati ang banda ko para maiba naman pero lahat kami naka-suit,” kuwento ni RP.

Matagal nang nasabi ito sa amin ng Chinito crooner hindi nga lang niya alam kung posibleng mangyari at dahil suportado siya ng direktor niyang si John Prats kaya first time sasayaw si Richard sa entablado.

Para sa ticket ng “RP10” tumawag sa Ticketworld, 891-9999. Nagpasalamat din si RP sa ASAP, United Daily News, Chinese Commercial News, Manila Concerts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending