Why we're moved by these Mother's Day messages of celebs Bandera

Why we’re moved by these Mother’s Day messages of celebs

Djan Magbanua |May 14,2018
share this

Why we’re moved by these Mother’s Day messages of celebs

Djan Magbanua - May 14, 2018 - 05:11 PM

SA espesyal na araw ng mga ina, nag-share ng ilang heart warming na mensahe ang ilang mga artista sa social media para sa kani-kanilang mudra.

Ginamit nila ang oportunidad na ito to express their love and appreciation sa ilaw ng kanilang tahanan.

Narito lang ang ilan sa mga heart warming post na nakita namin sa social media.

Bukod sa pagkakakaayos ng kanilang relationship kamakailan lang, nagbigay ng mahabang mensahe si Kobe Paras sa kanyang “best friend” at “shopping buddy” na si Jackie Forster.

Para naman kay Bianca Umali, isang”‘superhero” para sa kanya ang kanyang lola, ang nagpalaki sa kanya mula pa noong bata siya.

Isang mahaba namang mensahe ang alay ni Chito Miranda, front man ng Parokya Ni Edgar, para sa kanyang asawa na si Neri Naig.

Proud daughter naman si Sue Ramirez nang i-share niya ang ilang bagay tungkol sa “strongest person” na kilala niya: her mom.

Isang throwback photo naman ang shinare ni Luis Manzano with her mom Vilma Santos-Recto.

Nagpapasalamat naman si Julia Barretto sa kanyang mom na si Marjorie Barretto, bilang unang taong laging sumasalo sa kanya tuwing siya ay nadadapa.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending