Kilalang female celeb numero unong pintasera pero pikon, 'walkout queen' | Bandera

Kilalang female celeb numero unong pintasera pero pikon, ‘walkout queen’

Cristy Fermin |May 13,2018
facebook
share this

Kilalang female celeb numero unong pintasera pero pikon, ‘walkout queen’

Cristy Fermin - May 13, 2018 - 12:15 AM


MAGALING mang-inis pero pikon. Mahusay mamintas pero kapag napintasan ay galit na galit. Kagaling mang-inis pero balat-sibuyas.

Ganu’n kung ilarawan sa isang umpukan ang isang female personality na hindi naman kagandahan pero nakalusot sa laban dahil sa kanyang kakaibang talento.

Alam na alam na pala ng kanyang mga kasamahan ang kartada ng babaeng ito. Mahusay siyang makipagbiruan, sumasali siya sa mga usapan, pero kapag siya na ang tinututukan ng biruan ay nagwawala naman siya.

Kuwento ng aming source, “Naku, ibang klase rin ang babaeng ito! Pikon ang lukring na ‘yun! Magaling siyang mamintas, magaling siyang mag-trip, pero kapag siya na ang sentro ng joke, aba, nagwo-walkout ang lokah!

“Palagi siyang ganu’n, mahilig siyang makipagbiruan pero ayaw niya namang nabibiro! Magtayo siya ng sarili niyang mundo!” unang kuwento ng aming source.

De primera siyang patolah sa mga isyung ibinabato sa kanya. Sagot kung sagot ang hitad. Wala siyang pinalalampas na kahit ano.

“O, di ba, kahit nga ang mga fans kuno niya, e, dinadaot niya? Pinapatulan niya ang mga taong sumusuporta sa kanya, ayaw niyang pinapansin ang mga ginagawa niyang kalokahan.

“Gawa siya nang gawa ng kung anu-anong kapansin-pansin, pero kapag may pumapansin na sa kanya, e, galit na galit ang hitad! Binabalikan niya ang mga taong ‘yun sa social media!

“Ganu’n siya kapikon! Ganu’n katindi ang ugali ng babaeng ‘yun na wala pa namang napapatunayan kundi ang talent niya, kaya siya naging artista! Ngayon nga, e, napapansin niya na iniiwasan na siya ng mga kasamahan niya.

“Okey sila sa harap ng mga camera, pero kapag patay na ang mga ilaw, kani-kanya na sila. Wala nang kumakausap sa lukresyang ‘yun! May sarili na siyang mundo, wala naman kasing ka-close na artista ang babaeng ‘yun.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilala n’yo siya, pero lumayo kayo, baka mahigop kayo ng malaking bunganga niya!” kuwento pa ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending