Maine naloka sa ‘karma’ video ni Vaness ng F4
HUMALING na humaling pa rin si Maine Mendoza sa members ng Asian group sensation na F4.
Sa nakaraan niyang tweets with matching picture pa ng grupo, aminado siyang nami-miss din niya ang mga miyembro nito dahil nu’ng sumikat nga ang F4 sa bansa (dahil sa TV series na Meteor Garden), isa siya sa milyun-milyong Pinoy na naging fan ng mga ito.
Umiral muli ang pagiging fan girl ni Meng sa isang video na ipinost niya sa Twitter dahil bida roon ang isa sa members ng F4 na si Vanness Wu. Nakasaad sa caption ng video, “Vanness Wu made his own version of Karma is a Bitch challenge but wait for it, lol.”
Sa video ni Wu, skin head ang style ng kanyang buhok at pagkatapos ng ilang segundo, ipinatong niya ang mahabang hair, huh!
Tweet ni Maine, “Looooool! I din not see this coming!!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.