24 patay sa 20 insidente na may kaugnayan sa eleksiyon sa Mayo 14
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 24 ang nasawi sa 20 insidente na may kaugnayan sa eleksiyon sa Mayo 14.
Base sa PNP. kumpirmadong dalawa sa 20 insidente ay may kaugnayan sa halalan, samantalang inaalam pa ang iba kung konektado sa eleksiyon.
Sinabi ni PNP Spokesperson John Bulalacao na umabot na sa 33 katao, ang nabiktima mula sa Abril 14 hanggang Mayo 9.
“All in all, we have 33 persons in record who have been victim of violence incidence in this year’s election,” sabi ni Bulalacao.
Sa kabuuang 24 na nasawi, 13 rito ay mga halal, tatlo ay mga kumakandidato, anim ay sibilyan, isa ay dating halal na opisyal at isa ay isang itinalagang opisyal.
Idinagdag ni Bulalacao na karamihan ng mga biktima o suspek ay mga opisyal o mga kumakandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.