Aktor tuluyang mabubura sa mundo pag di tumigil sa bisyo | Bandera

Aktor tuluyang mabubura sa mundo pag di tumigil sa bisyo

Cristy Fermin - May 10, 2018 - 12:15 AM


MAGKAHALONG reaksiyon ang lumutang nang minsan pang malagay sa alanganin ang pangalan ng isang male personality. Nakakaawa siya na nakakainis dahil siya mismo ang lumalapit sa indulto.

Bago nangyari ang lahat ay pinangangaralan na siya ng kanyang mga kapwa artista, halatado kasi ng mga ito na may kakaiba siyang energy, pero deny naman siya nang deny.

Wala raw siyang ginagawang palso, tinalikuran na raw niya ang bisyo, lalo na’t nabingit sa kamatayan ang kanyang buhay ilang buwan na ang nakararaan.

Kuwento ng aming source, “May mga pagkakataong hinahanap pa siya kapag sasalang na siya sa eksena, nawawala kasi siya sa set, kung saan-saan siya nagpupunta.

“Bigla na lang siyang susulpot, pawis na pawis, parang meron siyang pinanggalingang hindi kagandahan. Sisihin ba ang paghahanap ng CR, samantalang marami namang portalet sa kanilang location?

“Nagmamalasakit sa kanya ang mga nandu’n dahil hindi nga ba, malapit na siyang paglamayan nu’ng may nangyari sa kanya na pinagtulung-tulungang itawid ng mga taong nagmamahal sa kanya?” simulang reaksiyon ng aming impormante.

Pero wala siyang pinakikinggan, panay-panay pa rin ang pagdedenay niya, nagbagong-buhay na raw siya. Huwag daw sana siyang husgahan dahil siya ang unang-unang nag-iingat at nagmamahal sa kanyang sarili.

“Saka may mga pagkakataon na para siyang lutang, wasted ang datingan niya, ‘yun ang time na parang wasted na wasted siya. Kailangan na niyang magkarga ng energy. Mawawala na naman siya!

“Kaya hindi nagkulang ng paalala sa kanya ang mga co-actors niya, pero siya mismo ang walang malasakit sa kalusugan niya. Matigas ang ulo niya, e, hindi na naman siya bumabata.

“Sana naman, e, maging napakalaking leksiyon na sa kanya ang huling nangyari sa kanya, wake up call na ito, para hindi siya tuluyang mawala sa balat ng lupa,” pagtatapos ng aming source.

Ayan na, nakasubo na sa inyo ang mga clue, kaya siguradong tumbok n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending