BALIK-trabaho si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema sa unang pagkakataon matapos namang mag-indefinite leave noong Marso.
Nagpunta kahapon si Sereno sa Kataastaasang Hukuman para gampanan ang kanyang trabaho bilang Chief Justice.
Ayon sa source, ipinaalam ni Sereno kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, na siyang tumatayong acting Chief Justice, ang kanyang pagbabalik.
Bumalik si Sereno dalawang araw bago magsagawa ang Korte Suprema ng special en banc session para talakayin ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.