SMB ibabandera si Standhardinger | Bandera

SMB ibabandera si Standhardinger

Angelito Oredo - May 09, 2018 - 12:15 AM

Mga Laro Ngayon
(SM MOA Arena)
4:30 p.m. Columbian Dyip vs Rain Or Shine
7 p.m. San Miguel vs Meralco Bolts
Team Standings: TNT Katropa (3-0); Rain or Shine (3-0); Globalport (2-1); Alaska (2-1); Phoenix (2-1); Meralco Bolts (2-1); Columbian Dyip (2-2); Ginebra (0-2); NLEX (0-3); Blackwater Elite (0-4); Magnolia (0-1); San Miguel (x-x)

MATAPOS ang mahigit isang buwang pahinga ay magbabalik sa aksyon ang PBA Philippine Cup champion at nagdedepensang kampeon dito sa PBA Commissioner’s Cup na San Miguel Beermen.
Huling naglaro ang Beermen noon pang Abril 6 nang biguin nito ang Magnolia Hotshots sa Game Five ng Philippine Cup Finals.
Ngayon ay hindi lamang bubuksan ng San Miguel ang kampanya para sa isa pang kampeonato, ibabandera rin nito ang top overall pick ng 2018 PBA Rookie Draft na si Christian Standhardinger.
Hindi nakapaglaro ang 6-foot-9 na si Standhardinger sa Philippine Cup dahil tinapos pa nito ang kontrata sa Hong Kong Eastern squad sa Asean Basketball League.
Kasama ang four-time Most Valuable Player ng liga na si June Mar Fajardo at ang import nitong si Troy Gillenwater ay masusubukan ngayon ang bangis ng frontcourt ng Beermen na sasandal din kina Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.
Makakasagupa ng Beermen ngayon ang Meralco Bolts na may dalwang panalo at isang talo sa torneyo.
Galing ang Meralco sa 106-90 panalo laban sa NLEX ay muling aasahan ni coach Norman Black sina Baser Amer, Chris Newsome, Mike Tolomia, Anjo Caram at ang import nitong si Arinze Onuaku, na kasalukuyang nangunguna sa steals (2.7 per game) at field goal (68.2%) department.
Mag-uumpisa ang San Miguel-Meralco game dakong alas-7 ng gabo sa SM Mall of Asia Arena sa P:asay City.
Samantala, hangad ng Rain Or Shine na mapanatiling malinis ang kartada nito sa pagtangkang matuhog ang ikaapat na panalo laban sa Columbian Dyip sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon.
—Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending